Noir. 21

121 10 1
                                    

Death is the inevitable and unavoidable conclusion to life. Someone long ago said that upon birth, we're committed to a life sentence. We never know when we'll die, or how, but we know it will happen. The gaping maw of the Grim Reaper stalks our every waking moment and movement. Death can also be an instrument by which we measure the value and worth of our lives. Have regrets and surely death will be frightening. Live a good life and the question marks that engulf the other side no longer seems dark.

~An essay on death.

"It really sucks when you know that you're about to die and the real question is not when, where or why, but 'how painful it is'. Hah! Human stupidity!"

Mula ika-limampung palapag. Tanaw ni Skullface ang mga labanang nagaganap, maging ang kilo-kilometrong layo ni Katana at kahit nahaharangan pa ng mga gusali. Sa kakaibang paraan niya ito nakikita.
Ang mga kaluluwa ay liwanag ng mga tao sa kanyang paningin. Ang mga kaluluwa ng mga taong may busilak na kalooban ay amoy sariwang karne para sa kanya. Pero mas gusto niya ang kaluluwa ng makasalanang amoy roasted beaf. Ito ang halimuyak ng karimlan na nilikha niya ngayon.

Isang Titanium-Long-barreled Revolver ang pinulot niya sa mesa ng nagmamay-ari ng gusaling kinaroroonan niya. Walang awa niya itong ipinaputok sa ulo ng hostage niyang presidente. "Hindi ko gusto ang pagmumukha mo." Ang tanging dahilan niya.

Tumagos ang bala hanggang sa salamin na pader ng kwarto na nagsanhi ng pagka-basag nito. Dumaloy ang malakas na hangin paloob at papalabas. Nagkalat ang mga papel mga kagamitan sa loob ng opisina. Tinangay ng malakas na hangin papalabas ng kanyang opisina ang katawan ng wala ng buhay na presidente.

At mula sa ibaba ay kitang kita ito ng matatalas na mata ni Alwina Magtalas. Natanaw niya pa ang pagmumukha ni Skullface na nakangiti sa kanya. Alam niya ang ibig sabihin nito. Isang imbitasyon.

Ngunit papaano niya magagawang harapin ang kampon ng kamatayan na ito kung hindi na siya maka-hugot ng lakas sa kasalukuyan niyang kaharap? Ang katawan ng lalakeng kanyang pinaka mamahal.

Muling dumampot ng patalim ang kalaban, walang pag-iisip na sumugod at umamba ng saksak. Tumama lang ito sa hangin nang swerteng makaiwas pa si Alwina.

Pinilit gisingin ni Alwina ang kanyang sarili. Sinampal ang sariling pisngi. Inilagay sa isip na ang lalakeng mahal niya ay matagal ng patay at ginagamit na lamang ng kalaban ang katauhan nito laban sa kanya. At nagawa niyang lumaban para maibalik ang konsentrasyon. Pero hindi na niya magawang gumanti. Pinipigilan siya ng kalokohang ideya na baka may pag-asa pa.

Sa kung papaanong paraang kaharap niya ngayon ang isang pumanaw na ay hindi niya alam, gayu'ng siya, higit kanino man ang dapat na nakakaalam ng lahat ng nagaganap na kababalaghan.
Napatunayan niya na ang Christian Bernal na kaharap niya ay isa na lamang katawan na walang isip, pakiramdam at kaluluwa nang maka-ilang beses niya itong tangkaing kausapin. Isang zombie.
Wala na itong alam gawin kundi ang kumuha ng sandata at pumatay ayon sa kapangyarihang nagpapagalaw dito.

Pero kumikilos ang zombie na ito na para parin isang buhay. May liksi kahit walang pwersa. Gumagalaw ayon sa natutunan ng katawan noong nabubuhay pa.

Naubusan na ng mapag-pipilian si Alwina. Tatapusin niya ang kalaban o siya ang mapapatay. Mula sa mga nakabulagtang kalaban ay nakapulot siya ng pares ng M1911 pistol. Itinutok sa ulo ni Christian Bernal na papalapit sa kanya. Naroon na ang tamang pagkakataon. Bukas ang kanyang target. Pero nanaig parin ang damdamin niya para umiwas. Napamura siya sa sarili dahil dito.

Dumistansya siya para mag-isip ng dapat gawin. Pero habang tumatagal ay mga ala-ala ng nakalipas kasama si Christian Bernal ang tanging pumapasok sa isip niya.

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon