"Kahit kailan, huwag na huwag mo ipapakita sa ibang tao ang kakayanan mo. Maging normal ka sa abot ng kanilang pang-unawa. Hindi lahat ng tao kayang unawain kung ano tayo. Pero tandaan mo na hindi tayo ang kinatatakutan nila, kundi ang sarili nilang kawalan ng kakayanang maging katulad natin."
Sa University Clinic. Nag volunteer si Sam sa pag-gamot kay Roman.
Tahimik lamang si Sam habang ginagamot ang mga natamong sugat ni Roman mula sa naging laban nito. Kaunting galos, putok na labi, at mga hiwa lang naman ang natamo niya, wala ito kumpara sa mga lalakeng hindi malaman kung mabubuhay pa dahil sa mga baling buto ng mga ito sa katawan.
Lahat sila ay kaagad na isinugod sa hospital matapos ang insidente. Mga buwan din ang bibilangin para sila'y gumaling kung sakali man na mabuhay sila. Sapat na panahon iyon para mabura na sa isip ng mga tao ang nangyari.
Pilit binabasa ni Roman ang mukha ni Sam, pero umiiwas lang ng tingin ang dalaga.
Lingid sa kanyang kaalaman. Hindi ang naganap na rambol o ang fraternity o ang sugat niya ang iniisip ngayon ni Sam. Mas masakit pa sa kahit anong suntok o sipa ang naranasan ni Sam nang makita si Roman kung paano ito magalit sa ngalan ng pag-ibig nito para kay Rose.
At mukhang ramdam na rin ito ni Roman.
"Aray!!" Napahiyaw ito sa sakit nang buhusan ni Sam ng alcohol ang kanyang nabalatang kamao na tumama sa pader noong nakikipagbuno siya.
"Ay sorry masakit ba?" Lalong dinamihan ni Sam ang alcohol na binuhos sa kamao ni Roman.
Halos mangisay naman sa sakit si Roman. Hindi pa rin siya makahalata sa inis ni Sam.
"Dahan dahan lang naman!" Apila niya.
Pero parang hindi siya narinig ni Sam. Kumuha pa ito ng lighter at nagtangka na sunugin ang kamay ni Roman na agad hinila palayo.
"Wuy! Akala ko ginagamot mo ko, balak mo pala ako sunugin."
"Sorry, nadala lang ako." Sarkastikong ngumiti si Sam. "Try ko lang kung masasaktan ka dito. Kanina kasi parang hinde e. Ang galing-galing, ang tapang-tapang at ang lakas-lakas mo pala, pero sa alcohol lang maiiyak ka na."
Napayuko lang si Roman. Hindi niya maisip kung paano at saan sisimulan ang pagpapaliwanag.
"Sudden burst of rage. Adrenaline rush. Parang ganun, pero hindi ko talaga alam ang tawag doon." Si Sam na ang sumagot sa sarili kahit hindi naman siya nagtanong.
Natanggal ang ligalig ni Roman sa narinig kay Sam. Bagama't hindi ito ang totoong paliwanag sa nangyari, hinayaan niya na lang ito na maging sagot na kayang unawain ni Sam. Tumango na lang siya.
Matapos tapalan ang mga sugat ni Roman. Lumabas na si Sam sa kwarto na nahahati lang ng puting kurtina. Pero agad din siyang bumalik na sobrang taranta.
BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasyNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...