Noir. 06

275 22 2
                                    

      

    "Sa kapaligirang walang kasing ingay, may namumukod-tanging tinig ang maririnig."

   

      Si Elerina Dela Rosa, 19y.o. College student, part time raketera, part time lakwatsera.  Isang maganda babae na may magandang pangangatawan.  Matalino, malambing, mabait, talentada,  mapagmahal, maraming taga-hanga, maraming manliligaw, maraming kaibigan, maraming follower, maraming insecure, maraming stalker at higit sa lahat, virgin.

      Pasado alas-onse na ng gabi nang siya ay matapos sa kanyang trabaho at sa pakikipag-landian sa kanyang katrabaho.  Nag-aabang na lang siya ngayon ng jeep na hihinto sa tapat niya sa kahabaan ng Mc.Arthur highway.

    

       Matapos ang ilang beses na pagtatangka, may pumara din na jeep sa tapat niya.  Pumwesto siya sa likod ng jeep. 

       Matapos magbayad, pinagmasdan niya ang ibang pasahero.  Kasama niya sa loob ng jeep ang isang may edad na lalakeng uubo-ubo, isang bading na may kausap sa kanyang cellphone at isang estudyante na abala sa paglalaro sa kanyang smartphone.  Dahil sa kanila, naging panatag si Elerina na umidlip muna sandali.

     

        Ala-una na ng madaling araw nang maalimpungatan na naman si Roman.  Napapansin niya sa kanyang sarili na nagiging maiksi na lagi ang tulog niya.  Minsan Isa o dalawang oras lang sapat na sa kanya.  Minsan wala nang tulog.

       Kapag ganitong hindi na siya makatulog, kinukuha na lang niya ang kanyang lapis at makapal na sketch pad na malapit nang mapuno sa dami ng mga naiguhit na niya.  Karamihan sa mga ito ay mga magagandang angulo ni Rose na pumapaskil sa kanyang utak hangga't hindi niya naiguguhit. 

       Si Rose lamang ang nag-iisang maganda sa mga iginuguhit ni Roman.  Dahil ilan sa mga obra niya ay pawang may masalimuot na inspirasyon, kaya ganuon na lamang kung maging malungkot, marahas, o kakilakilabot ang nagiging kinalalabasan.  Sa mga guhit ni Roman makikita na sa loob ng kanyang kawalang kibo, nagsusumigaw ang mga tinig ng mga magkakahalong hinagpis, poot, at kawalan ng katarungan.

       May bumabagabag nanaman sa kanya, kailangan niya ngayon ito ilabas gamit ang lapis.

       Pumikit muna siya para mabuo ang imahe sa kanyang isipan.  Pero masyadong magulo, nakakalito, hindi mabuo-buo, may kulang na bahagi, parang hindi pa tapos.  Parang kasalukuyan pa lang itong nagaganap.

       Isang trahedya ang pumapasok sa isip niya.  Hindi naman siya malibog, pero nakakaaninag siya ng isang babaeng nakagapos.  Walang saplot.  Nagmamaka-awa.  Pero hindi makahingi ng tulong.  Apat na demonyo ang naaaninag niya sa parteng maliwanag.  May apoy.  May palara.  Mga sumasamba sa usok na dala ng pagkasunog ng kulay puting elemento.  Masyado pa itong magulo at malabo para iguhit.

       

         Binuklat na lamang niya ang mga pahina ng sketch pad.  Si Rose nanaman ang nakita niya.  Si Rose na nakasuot ng isang magarang damit at may suot na magandang maskara na natatakpan lang ang gilid ng kanyang mata.

       Nakita niya na naiguhit niya rin pala si Sam.  Mabilis niya lang nilipat ang pahina.  Napako naman ang tingin niya sa isang lalake na nakasuot ng maskara, may sumbrero ito at naka-coat na manipis at mahaba.  Iginuhit niya itong tila sumasayaw sa hangin ang mahabang coat nito.  Buhay na buhay.  Iniisip niya na siya ang nasa likod ng maskara kaya't tama lang na buong mukha nito ang matakpan.  Walang bahagi ng katawan niya ang makikita sa kasuotang ito.  Ini-imagine niya kung ito ay purong kulay itim.  Sinasalamin ng lalakeng naka maskara ang kanyang katauhan.  Isang lalakeng nabubuhay sa dilim at hindi nakikita sa liwanag. 

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon