Noir. 10

236 18 0
                                    

          "Matagal nang pinaunawa sa akin ng aking kapatid na sa kanilang propesyon, ang isang paa nila ay nasa hukay na.  Ang isang maling hakbang ay nakamamatay na.  Kaya't bago ka pa man tabunan ng lupa ay gawin mo ang sarili mong kapaki-pakinabang, gawin mo ang tama at mamatay ka ng marangal. 

          Sinabi niya rin sa akin na matatapos ang kanyang pakikibaka sa dalawang paraan.  Kapag nakahihinga na siya ng maluwag sa bayan na kanyang pinaglilingkuran, o kapag ang bayan na kanyang pinaglilingkuran ay tapusin ang kanyang paghinga.  Ang una ay walang katiyakan, samantalang ang pangalawa ay nangyari na. 

        Kung iisipin, isang kahangalan ang mithiin ng kapatid ko sa isang bayan ng mga hangal.  Siya na mismo ang nagsabi na walang batas ng tao ang tuluyang magwawakas ng mga kasalanan.  Pero nagpatuloy pa rin siya sa pakikipaglaban.  Ang katuwiran niya, kung hindi siya kikilos, sinong gagawa?  Kung hindi siya magsisimula, paano ito matatapos?  Kung hindi siya lalaban, magkakaroon ba ng pag-asa?  At kung ang mga malakas ay patuloy na inaapakan ang mga mahihina, sino na lamang ang kanilang magiging tagapagligtas?"

         Simula noon, mas hinangaan na ni Roman si Rose.  Matured na siya mag-isip, hindi tulad ng inaakala nila.  Kay Rose natutunan ni Roman ang isang mahalagang bagay na hindi sa kanya naituro ng kanyang karanasan.  Ang maniwala sa pag-asa.  Gayun pa man, hindi pa rin siya nakatitiyak kung ano ba talaga ang kailangan ng tao. 

    

        

         "Roman.  Magsabi ka nga sa'kin ng totoo." Pilit iniharap ni Sam si Roman sa kanya matapos niya ito habulin hanggang sa apartment nito.

       Walang ganang tumingin si Roman kay Sam at naghintay lang ng susunod na sasabihin nito.  Inakala niya na tungkol ito sa kanila ni Rose, pero iba ang nakita niya sa hitsura ni Sam, dahilan para kabahan siya.  Desperada ang mga mata nito na humukay ng katotohanan mula sa kanya.  Gayun pa man ay hindi siya nagpahalata.

       Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang insidente.  Marami ang gulantang sa nangyaring pagpatay lalo na ang mga kaibigan ni Rose sa unibersidad.  Marami sa kanila ang nasawi at hindi pa nakaka-move on ang mga naiwan at nakaligtas.  Karamihan ay nasa state of shock pa, hindi lang sa pagkakasaksi sa kamatayan at sa madugong labanan, pati na rin sa paglitaw ng isang nilalang na hindi mawari kung ano.  Isang linggo na ang nakalipas, pero sa puntong ito pa lamang nagsisimula humuhupa ang tensyon. 

        Si Sam ay nasa maayos nang estado ng kanyang pag-iisip kaya't nakuha na niyang itanong ang naglalaro sa kanyang isipan.

          "Yung 'Phantom' na lumitaw ng gabing iyon... Ikaw ba 'yon." Diretsong tanong ni Sam na agad pinabulaanan ng pagmamaang-maangan na reaksyon ni Roman.

         "Phantom?" Pagtataka naman ni Roman.

        Tumingin naman ng masama si Sam.  "Oo, yung taong anino.. Alam mo naman ang sinasabi ko.  Wag ka nga magkaila!  Alam ko, ikaw yun.  Paano mo nagagawa ang ganun?  Anong kapangyarihan yun?  May sa dimonyo ka ba?" Sa pag-iisip sa sariling tanong ay hindi rin naiwasan ni Sam na mangamba.

       Napansin ito ni Roman.  Inalala niya na ikakatakot lang ni Sam kung sakali man na umamin siya.  Para sa kanya, kahit pala ang pinakamatalik niyang kaibigan ay maaaring hindi tanggapin ang katotoohanan sa kanyang pagkatao.

       "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Malungkot na tumalikod siya kay Sam.

        "Please naman Roman, kahit ngayon lang.  Sa tinagal-tagal na nating pagkakaibigan na nagkakaputahan na, hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung anong tumatakbo dyan sa isip mo." Hindi mapigilan ni Sam na makaramdam ng inis at kawalan ng silbi bilang kaibigan.   "Puro na lang mga lapis at brush ang nagsasalita para sayo.  Pero ang bibig mo, kahit kailan hindi ko yata makakausap ng matino.  Tangina naman.  Kaibigan mo ako Roman, kahit man lang yon, maging silbi ko sayo."

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon