Isa nanamang biktima ng panggagahasa ang natagpuang bangkay na itinapon sa isang bukid sa Bulacan. Walang saplot sa katawan, ikinadena at tadtad ng mga saksak sa katawan. Ito ang sinapit 19 anyos na dalagita na nakilala sa pangalang ---
Pinatay na ni Roman ang telebisyon sa sala tsaka sumalampak sa carpet kung saan pinagigitnaan ng telebisyon, at isang mahabang sofa na korteng saging ang isang mababang lamesa na gawa sa makapal na fiber glass.
Sawang-sawa na siyang makarinig ng mga balita na paulit-ulit lang naman.
Pagod na siya sa maghapong pakikibaka ng kanyang mga paa sa paglalakad sa lawak ng unibersidad na pinapasukan niya. Pagod na rin ang kanyang mga kamay sa kabibitbit, kahahawak ng lapis, bolpen, at brush sa hindi mabilang na pag-pahid ng mga tinta at pintura sa mga canvas. At pagod na pagod na ang kanyang utak sa maghapong pag-iisip sa klase, sa kung anong kakainin para sa hapunan at kung paano kikita ng malaking pera para pambayad ng balance sa tuition fee at pambayad ng renta at kuryente. Kung meron mang hindi pagod sa kanya, ito ay ang kanyang bibig na madalas napapanisan ng laway.
Para sa kanya, hindi naman niya ikabubuhay ang malaman ang mga nagaganap sa kanyang kapaligiran. Mas inaalala niya ang paparating na exam. sa isa sa kanilang mga subject sa kursong Fine arts. Kaya naman binuklat niya na lang ang libro na hiniram niya sa kanyang kaklase.
"Ang bastos mo naman! Nanunuod ang tao e."
Mabilis ang pagkaka-banggit ni Sam sa 'tao e', kaya naman 'tae' ang tunog nito sa binging si Roman.
Lumingon s'ya sa kaliwa n'ya at nakita n'ya ang busangot na mukha ni Sam habang naka-krus ang mga mapuputing braso sa isa't isa sa harap ng kanyang malalaking dibdib. Naka-upo lang ito sa supa na naka-harap sa malaki at maka-lumang klase ng telebisyon- antique kung iturin.
"Ay sorry may tae pala." Muli nitong binuhay ang telebisyon, pero hindi na s'ya nakinig.
Nabaling ang tingin niya sa mapuputing biyas ni Sam na magkapatong. Walang ibang suot si Sam kundi panloob lang sa likod ng malaking t'shirt na sakto lang ang haba para matakpan ang kulay pink nitong panty.
Maganda si Sam. May tamang tangos ng ilong, tamang laki ng mapupulang labi. Maputi ang balat at alaga ang itim na buhok. Pinaka pambato niya ang kanyang katawan na perpekto ang pagkaka-hubog. Isang malaking panira lang ang kanyang makapal na salamin at mga bakal sa kanyang ngipin.
Gayun pa man ay hanggang kaibigan lang ang turin ni Roman sa kanya. Iisa lang kasi ang itinitibok ng kanyang puso at minamanyak sa kanyang mga pangarap. Si Rose.
"Kay ganda kong tae." Sambit ni Sam. "Kapal mo din ano, kung makapatay ka ng tv. parang sa'yo bahay ah." Pabiro niya sa matalik na kaibigan.
Tsaka pa lang naalala ni Roman na hindi pala sa kanya ang bahay at nakiki-gamit nga lang pala siya ng ilaw.
Nasa itaas lang ang kwarto niya na paupahan ng nanay ni Sam.
"Wala ka nanaman ilaw?" Tanong ni Sam habang nakatutok na ang tingin kay Roman at nagkakamot ng binti na dinapuan ng lamok.
BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasyNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...