Noir. 11

219 19 2
                                    

        "Katulad mo, ayoko rin maging abnormal sa paningin ng mga tao. Wala naman akong magandang dahilan para sabihin sayo ito, kinailangan ko lang ngayon. Pero hindi ako katulad mong nabubuhay pa rin sa pait ng nakaraan. Gusto kong tumulong sa iba sa paraan na hindi ako magiging kakaiba. Magandang pagkakataon ang maging Phantom, kaya lang hindi ko maramdaman ang sinasabi mong pakiramdam nuong isuot ko ang maskara. Hmft! Choosy!

        Kaya para malaman na ang totoo, dapat siguro kausapin na natin yung matanda na yun, tignan natin kung may nalalaman siya."

        Kinabukasan ay nagtungo nga ang dalawa sa Quiapo.

        "Hey ate Tana!" Masayang bati ni Sam sa kanyang hipag na nakapwesto pa rin sa tindahan ng mga pinatuyong ugat na nasa bote.

        "Uy." Maiksing sagot ni Santana. Halata sa hitsura niya ang pananamlay na agad napansin ni Sam.

        "Oh, bakit ate? Problema?" Nag-aalalang usisa ni Sam.

        "Uhm... Mabuti pa, ako na lang ang pumunta sa matanda?" Suhestyon ni Roman kay Sam.

        Tumango si Sam, at iniwan na nga sila ni Roman para mabigyan ang dalawa ng privacy.

        Isang malakas na buntong hininga ang nilabas ni Santana. Kaawa-awa ang mukha niyang nagpalungkot din kay Sam. "Sam. Kuya mo."

        "Bakit ate? Anong ginawa ng magaling kong kapatid." Mabilis na uminit ang ulo ni Sam malaman lang na ang dahilan ng pagakalungkot ni Santana ay ang asawa.

        Agad naman bumaliktad ang mood ni Santana, bigla siyang ngumiti. "Pinalayas ko na ang kuya mo!"

        Naging masaya din si Sam. "Ah talaga?! Apir!"

        At nag apir nga ang dalawang luka-luka.

        "Teka sandali, tawagin ko lang si Kikay. Siya na lang muna pagbabantayin ko. Dito ka muna." Umalis si Santana para tawagin ang dalagita na tumutulong sa kanya sa pagbabantay sa kanyang pwesto.

        Si Sam muna ang panandaliang nagbantay sa pwesto. "Oy mga kuya! Pampalake oh! Subuk na! Bili na! Hahaha ha!.."

        Agad dinumog ng mga kalalakihan ang pwesto nang makita si Sam. Kahit ang mga kagagaling lang sa simbahan ay napatingin. Pati ang isang tatay na may akay na anak ay hindi naiwasang mapalingon. Agad naman siya binatukan ng kanyang asawa.

        Tanghali nang dumating na si Roman sa bahay ni Santana. Magalang lang itong bumati kay Santana at tinungo na si Sam na nakaupo sa loob ng munting sala. Nag-gugupit ng kuko sa kanyang paa.

        "Anung nalaman mo?" Pabulong niyang tanong kay Roman.

        Napailing si Roman bago umupo sa tabi ni Sam. "Una, nalaman ko na manggogoyo lang talaga ang matanda. Pangalawa, tomboy pala yun."

        "Anu ba yan! Apaka alang wenta naman niyang nalaman mo!" Reklamo ni Sam.

        "Wala rin akong nalaman kasi patay na yung matanda... may pumatay sa kanya."

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon