Noir. 14

214 14 0
                                    

       Sa kapaligirang walang kasing ingay, may namumukod-tanging tinig ang maririnig. 

          Naririnig niya ang tunog ng panganib.  Ito ang kanyang nagiging gabay.

        Sa ilalim ng kaguluhan, may lugar ng kapayapaan. 

        Natagpuan niya ang kalinawan ng isip sa gitna ng pagdadalamhati, poot, at paghahanap ng katarungan.  Ngayon handa na siya.

       Sa gitna ng kadiliman mo lamang makikita ang tunay na liwanag

           Ang kanyang kapangyarihan ay nagmula sa kadiliman, ngunit ipinasya niya na ilaan ito sa pagbibigay katarungan.

           Sa bayan ng mga duwag, naninirahan ang isang bayani.

        Bumangon siya mula sa napakadilim na nakaraan at kawalan ng pag-asa.  Ngayon, siya ang magsisilbing tanglaw ng pag-asa.

            Isang babae na nagse-selfie ang biglang inagawan ng smartphone ng isang kawatan.  Umangkas ang lalake sa kasabwat na naka motor.  May patalim na tumama sa gulong ng motor na ikinasemplang ng mga ito.  Nahuli ang mga kawatan ng mga rumespondeng tanod.  Ayon sa babaeng biktima, isang taong-anino ang tumulong sa kanya.

          Isang notorious group ng mga bukas-kotse gang  ang dumale sa isang sasakyan sa isang parking lot.  Madali nilang nasamsam ang laman ng sasakyan na malaki ang halaga.  Walang ibang tao sa lugar na iyon, pero may taong-anino na gumapos sa kanila sa isang poste gamit ang isang kadenang itim.  Dahil sa CCTV, nakatawag ang mga bantay ng mga pulis.   

           Isang 24/7 na store ang hinoldap ng mga taong may baril.  Namatay ang ilaw.  Nagkaruon ng mga kalabog, tunog ng pagbagsak ng mga bagay, pagkabasag ng salamin at sigaw ng mga suspect.  Pagbukas ng ilaw ay nakagapos na sa itim na kadena ang mga holdaper.

         Karamihan sa mga foreigner na turista ay dinakip at ginawang hostage ng isang kilalang grupo ng mga terorista.  Hindi nagtagal ay nailigtas ang mga dayuhan at nasugpo ang mga terorista.  Laking pasasalamat ng mga foreigner sa AFP, lalo na daw sa sundalo nilang nakaitim na nagpabagsak sa halos kabuuhan ng grupo ng mga terorista.

        Nahuli ang mga nagpasabog sa istasyon ng tren.  Nailigtas ang mga pasahero ng highjacked na eroplano.  Napigilan ang hostage taking sa bus sa mendiola.  Nahuli ang mga rebelde.  Nasalo ang isang tumalon ng building.  Nasagip ang mga naipit sa sunog.  Nahuli ang mga may kabet at nahilig ang mga kalalakihan na makinig ng pantanghaling drama sa radyo.  Ang huling dalawang nabanggit ay wala siyang kinalaman.

         Gabi-gabi ay nagiging abala na ang mga kapulisan sa pagpapatrolya sa kani-kanilang beat.   Naghihintay ng mga tawag ng kanilang estasyon kung saan sila makakatagpo ng mga kawatan na nakagapos ng kadena.

         Biglang bagsak ang crime rate.  Iilan na lang ang natatagpuang bangkay na nakasako, iniwan sa bukid, sa tabi ng kalsada, o sa motel.  Nasugpo ang mga grupong naghahari-harian sa mga lugar na kanilang sinasakop.  Nasira ang mga operasyon ng illegal drug trafficking at human trafficking.  Bawas na ang mga banta ng kaguluhan at pagkasira ng mga buhay.  Maliban lamang sa corruption sa pamahalaan.  Kung pakikialaman niya pa ito ay babalik ang Pilipinas sa pagiging mangmang na bansa dahil sa pagkaubos ng mga matatalinong tao.  Ang natural na karamdaman naman ay hindi na niya sakop, dahil isa siyang pintor at hindi Doktor.  

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon