"Actually, napadaan lang talaga ako. May imi-meet kasi ako ngayon, antagal n'ya nga e. Naalala ko naman na every friday nga pala nandito ka, kaya... ayun..." Paliwanag ni Rose kay Sam habang nasa likod sila ni Roman na hindi na makapag-focus sa ipinipinta.
Mukha itong isang obra kanina. Hindi niya alam kung paanong nalagyan niya ito ng mga bulaklak, paroparo, ibon, at iba't-iba pang makukulay na bagay. Sadyang hindi maitatanggi ng mga pinta ang damdamin ng mga Pintor. Mali nga lang ang nagawa niya. Napakamot na lang siya ng ulo matapos marealize ang pagkakamali.
"Pokpok ka talaga! Ang cheap-cheap mo! Kabe-brake mo pa lang sa kups na Henry na yun, may nilalandi ka nanaman na bago! At dito niyo pa talaga naisipan na magkalat, sa ganitong lugar?! Omaygad." Panenermon pero mas nangibabaw ang panghahamak ni Sam base sa nakikita niya sa kapaligiran.
Isa lamang itong maliit na mall na hindi para sa mga katulad ni Rose.
Napakunot-noo naman si Roman sa tindi ng mga pinagsasabi ni Sam kay Rose. Hindi niya pa alam kung anong gustong palabasin ni Sam.
Samantalang si Rose, bilang mas maramdaming babae ay tinamaan sa sinabi ni Sam at nahiyang tumitig kay Sam. "Napaka mo!. Hindi naman. Madali lang naman mahalin si Arnold e. 'Di ba... Kilala mo naman siya?"
Isang malaking question mark ang naging mukha ni Sam. Si Roman naman ay hindi sinasadyang may natapon na dilaw na pintura at bumuhos ito sa kanyang pundya. May napadaang babaeng may-idad, napangiwi ito nang makita ang pantalon ni Roman.
"Ahh!! Si Arnold! Ahaha!" Kunwaring naalala ni Sam kung sinoman yun.
Nagkatinginan sila ni Roman na pareho lang ang bumabakas sa mukha. 'Sino yun?'
Nagpaalam din agad si Rose nang mag ring ang phone nito. At dahil abala si Rose sa kausap ay hindi niya nakita ang pinturang natapon sa sahig. Nadulas tuloy siya. Pasubsob sa harap.
Pero dahil sa mabilis na reflexes ni Roman ay nagawa niyang masalo si Rose bago pa ito tumama at sumabog ang mukha sa sahig. Nasalo din ng kamay ni Roman ang isa sa mga'sinasalo' kay Rose. 'ang lambot'. Sabi ng kamay niya.
Mabilis niyang itinayo si Rose para walang makakita kung saan niya na'salo' si Rose.
Mabilis naman tumibok ang su-- puso ni Rose at Roman nang magka-titi..gan sila.
"Sal-sal-amat." Nauutal na sabi ni Rose.
"Su-su-ri." Ah eto, nauutal na bisaya. Paumanhin ni Roman.
Hindi naunawaan ni Rose ang 'sorry' ni Roman. "Hah?"
Agad naman binaling ni Roman ang tingin sa pinturang natapon at tinukoy niya ito.
BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasiNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...