Bocaue Bulacan. Si Maestro Andy ay nasa kanyang daan papuntang Maynila para bigyan ng babala si Alwina, nang harangin siya ng pinaka nakakainis na kalaban sa kalsada -ang traffic.
"Come on. Come on." Panggigigil niya sa busina.
Pero wala talaga. Mas mabilis pa gumapang ang lasing kaysa usad ng trapiko. Ang ibang naipit ay kasing init na rin ng sitwasyon. Kung tatakbuhin niya naman ay malamang na wala na siyang paa pagdating niya ng maynila.
Tagaktak na ang pawis niya sa loob ng kanyang kotse kahit nakatodo na ang aircon. At may pumatong pa na kamalasan nang may kumatok sa kanyang bintana. Isang lalakeng may hindi mapagkakatiwalaang pagmumukha na naka pantambay outfit at may hawak na metalic baseball bat. Lalo siyang pinawisan, kinabahan at nanlaki ang mata sa takot nang makita sa labas ng sasakyan na napapaligiran na ng tatlo pang same species. Lahat ay may hawak na pamalo.
Lumapit ang mukha ng lalake sa bintana ng kanyang kotse para tignan siya sa loob. Namilog ang malalaking mata nito at ngumiti na kita ang gilagid. Pero hindi 'peace on earth' ang habol ng mga lalakeng ito sa kanyang konklusyon.
Muli siyang bumusina para itaboy sana ang mga tambay. Pero ito pala mismo ang dahilan kung bakit siya nilapitan.
"Ingay!!" Sigaw ng lalake sa kabilang bintana kasabay ng isang malakas na kalabog sa bubungan ng kotse na kinagulat niya. Hinampas pala ng hawak nitong tubo ang bubungan ng kotse niya.
Kasunod ay pinag-papalo na ng ibang kasama ang kanyang kotse, hanggang sa magka-basag basag ang mga salamit at makupi ang bubungan nito.
"Aaahhh!!!" Napasigaw siya sa takot habang patuloy na bumubusina.
May mga nakakasaksi, pero mga takot din tumulong at walang pulis kahit saan para sumaklolo. Gustuhin niya man tumakas, ipit na ang kotse niya. Napapaligiran na siya ng ibang kotse sa harap at likod at kaliwa't kanan.
Tinadyakan niya ng malakas ang pinto para bumukas. Tumalsik ang lalakeng nasa labas, tumama ang likod sa katabing kotse at napatumba. Kinuha niya ang pagkakataon para tumakbo. Agad siyang hinabol ng iba pang tambay.
Hindi lang ito epekto ng init ng ulo. Naging mas malaya ang mga tao na gawin ang gusto nila. This is madness! Wala silang kontrol, dahil walang kumokontrol. Mahalaga ang batas. Pero mas mahalaga ang may nagpapatupad nito.
"Humanda ka sa'kin manong 'pag naabutan kita!" Galit na sigaw ng lalake.
Sa katatakbo ay nakarating siya sa exit ng Express way. Dito, kumpol pa rin ang mga sasakyan. May mga umuusok sa mga ito, isang armored van pala ang pinasabog. Isang nakawan ang naganap. Maraming sasakyan ang nadamay, mga tadtad ng bala at nag-aapoy. Total wreckage!
Nasukol na ng militar ang halos kabuohan ng mga kalaban. Bilang na sa daliri ni Skullface ang kanyang kampon. Pero wala sa katawan niya ang pangamba. May surpresa pa siyang nakatago sa kanyang manggas.Ang hindi niya alam, mayroon din surpresa ang nakaabang sa kanya.
Pinalipad na ang helicopter na gagamitin niya para makatakas. Ilang minuto lang bago makarating ito sa malaking gusali na may Helipad sa rooftop nito. Lulan nito ang isang piloto na tinututukan ni Dragunov ng baril. At si Sam na napupuno na ng poot sa kanyang nasasaksihan. Mahigpit niyang hawak ang karet na puputol sa kasamaan ni Eternel. Ang tangi nilang pag-asa."Ayun siya!" Sambit ni Sam nang makita ang lima sa mga tauhan ni Skullface at isang naka-coat na puti at may hawak na machine gun.
"Wait Sam. Wag tayo mag padalos-dalos. Wait for the right moment." Tugon ni Dragunov.
BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasíaNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...