May apat na anyo ang kamatayan. Pisikal. Ispiritwal. Emosyonal. Saykolohikal.
Ang una ay sumisira sa pundasyon ng buhay. Kapag wala ka nang katawan, wala ka nang kakayanang magpatuloy.
Ang pangalawa ay sumisira sa kakayanan ng tao na kumilos. Ang mga taong wala nang kaluluwa ay nakararanas ng walang katapusang kapaguran.
Ang pangatlo ay sumisira sa pagpapahalaga ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang mga taong wala nang damdamin ay mabubuhay sa mundo para pahirapan ang iba.
At ang pang-apat ay sumisira sa sariling pagkatao. Ang pinakamalupit na kamatayan kung saan walang katapusan ang pasakit.
Ang tao ay binibigyan ng pag-asa kapag namatay sa huling tatlong paraan, samantalang nakasalalay sa naulila ang namatay sa unang paraan. Gayun pa man, ang apat na kamatayan ay magkakaugnay. Kapag nakamit ang isa, alinman sa apat ay magdudulot na ito ng chain reaction hanggang sa makamit ang ganap na kamatayan.
Ang ikalawa ay isang matagal na proseso dahil sa nakaugnay ito sa kanyang kapaligiran. Samantalang ang una ang pinakamadali. Ang ikatlo ay nakasalalay sa taong pinahahalagahan, samantalang ang huli ay nakasalalay sa karanasan habang kalaban ang sarili.
Materyal ang sanhi ng unang uri ng kamatayan, matinding kabiguan naman sa ikatlo. Ang kawalan ng kapasidad ang magdudulot ng ikaapat, samantalang sa ikalawa ay natural o isang hindi nakikitang kapangyarihan.
"Nilikha ng diyos ang apat na anyo ng buhay at ipinaiiral ito sa kanyang kawangis. Ang tao."
*tud*
"Sam." Marahan na tawag ni Roman sa tutulog-tulog na si Sam.
Nakasubsob lang ang mukha nito sa kanyang mesa na nasa harap mismo ng klase.
"Sam." muling tawag ni Roman na sinamahan pa ng pagtapik sa kanyang balikat.
"Wag mo ko istorbohin, kundi papatayin kita." inis na sabi niya na hindi inaangat ang ulo.
"Talaga? At anung uri naman ng kamatayan ang gagawin mo sa'kin?"
Nabosesan ni Sam ang nagsalita kaya't napaangat ito ng ulo. Tama nga siya ng hinala na ang kanilang Prof. Andy ang nasa harap niya ngayon.
"Yung panglima?" sagot niya na hindi pinag-isipan.
Mahinang bumungisngis ang mga kaklase niya sa likod. Si Roman naman ay napasapo na lang ng noo. Tumalikod na ang kanilang Dalubguro at nagbigay ng isang quiz.
Matapos ang ilang buwan ng pagdadalamhati sa mga taong nawala sanhi ng insidente sa mansion ng mga Bernal, muling bumabangon ang mga naiwan. Balik na sa normal ang mga klase sa kanilang unibersidad. Hindi madaling malimutan, ngunit ang mabigat na damdamin ay unti-unti nang humuhupa.
"Tingin mo magkatulad yung mga taong nakaitim na kapote dun sa taong nababalita sa tv?"
Nahagip ng pandinig ni Sam ang usapan ng kanyang mga kakalase.
"Pwede rin. Sabi nung kapitbahay namin na nakakita, parang mga ninja daw yung mga naglaban. Yung isa may katana. Yung isa may kutsilyo. Tapos may sniper pa sa malayo. Ang astig nga e, parang hindi mga tao."
BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasyNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...