Noir. 19

134 13 1
                                    

Sa pinagsasamang pwersa ng Sandatahang lakas at Pambangsang Kapulisan, walang anumang banta sa kaligtasan ng isang bansa ang hindi masusugpo. Pero para sa kalaban na binahiran ng kadiliman, kasamaan at walang hanggang kapangyarihan. Ang banta ay hindi lang banta. Isang delubyo na nahantong sa isang pambansang krisis.

Isang bala ng riple ang tumagos sa ulo ng pinaka makapangyarihang tao sa bansa habang siya ay nasa kalagitnaan ng kanyang talumpati. Agad nagkagulo sa pagkamatay ng mayamang negosyante. Hindi na nakakilos ang kanyang mga business partners. Ang kanilang mga tauhan ay mabilis na naubos sa kamay ng grupo ni Katana. Ang kanilang eksklusibong pagpupulong ay humantong sa isang makasaysayang hostage crisis na hindi na maitatala sa kasaysayan. Ang buong bansa ay niyanig. Isinantabi ng mga matatalinong tao ang pagtatalo, sisihan at ang mga gawa-gawang issue para sa isang mas makatotohanang problema ng kanilang bansa.

Kasing-bilis naman ng pagkalat ng balita ang pagresponde, pagdanak ng dugo at pagkaubos ng paraan para iligtas ang mga hostage. Hindi pangkaraniwang mga tao ang kalaban kaya't kinailangan nila ng hindi pangkaraniwang tagapagligtas. Sa pagsapit ng gabi, lumitaw ang kabalyerong nagmumula sa dilim. Saksi ang libo-libong usisero, media, mga sundalong nakabakod, mga pulis na pumipigil sa mga usisero at mga naglalako ng mimiryenda. Kitang-kita nila ang pagsulpot ni Noir na sa ilang sandali ay nilipol ang mga armadong tauhan na imposible daw magapi ng anumang mahuhusay na taktika ng mga halo-halong pwersa ng sandatahan.

"Buksan ang lahat ng ilaw! Hindi siya makakapagtago sa liwanag!"

'Sino ba nagsabi na nagtatago ako? Sadyang madilim lang ang suot ko.'

"Hindi namin siya matamaan! Sobrang bilis n'ya! Aaahhhg!"

"Biglang nawawala, biglang susulpot!! Hindi s'ya tao!"

"Teleport tawag dun tanga!"

"Alam ko yun gago!"

"Paputukan n'yo! Paputukan n'yo!"

"Nawala nanaman s'ya! Uaaahhg!!"

"Imbisibol?!"

"Aaahhgg!!"

Walang nagawa ang buong pwersa ng sandatahang lakas ng katarungan at kapayapaan laban sa mga kalaban na nakamaskara ng bungo at armado ng mahahabang machine guns at mga pasabog. Pero ang taong anino ay mag-isang pinababagsak ang mga kalaban gamit ang kanyang kapangyarihan na nagmula sa kadiliman.

Maging ang mga talentadong si Katana at Dagger ay walang naging laban sa nilalang na kayang tapatan ang kanilang mga kakayanan. Ngunit bago pa man humantong sa katapusan ang kanilang eskrimahan, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong gusali. Naunang naapektuhan ang mga taong walang kinalaman sa labas gawa ng ang pagsabog ay nagmula sa ilalim ng lupa. Ang lakas nito ay sapat para pabagsakin ang gusaling may mahigit isandaang palapag at kumitil ng mga inosenteng buhay.

"Hahahaha!!.. Sa tunay na buhay, ang mga bayani ay namamatay! Lumalaban pero walang naililigtas!" mula sa lumilipad na helicopter ay tuwang-tuwang pinagmamasdan ni Skullface ang pinakamataas na gusali sa mabilis nitong pag-guho na kumikitil sa daan-daang buhay na naroon. "Gusto mong magpakabayani? Pwes! Mamatay ka dyan! Hahahaha!!!..."

Mula sa namuong usok ng pagguho, isang itim na kadena ang mabilis na tumusok sa katawan ng helicopter, dahilan para mawalan ito ng balanse. Sa pag-angat ay hinila nito si ni Noir na bitbit ang walang malay na katawan nina Katana at Dagger.

Nanlaki ang dati nang malalaking mata ni Skullface. Nangatal ang kanyang panga sa inis.

Ligtas naman nilapag ni Noir ang katawan ng dalawang kalaban sa rooftop ng isang gusali bago niya hinila gamit ng kadena ang helicopter na sinasakyan ni Skullface. Ngunit ang tusong Druglord ay hindi nagpatalo. Pinaulanan niya ng bala ng machine gun ang taong anino, dahilan para may mga madamay nanamang inosenteng mga tao. Walang pakialam si Skullface sa mga taong di sinasadyang matamaan niya, pero ninanamnam niya ang bawat sandali ng pagkitil.

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon