Chapter Eighteen
~*~
ZICO'S POV
Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi lang dahil sa mga nagkalat kong pictures disguising as my sister. I really do believe na maingat ako. Imposibleng siraan ako ng mga nakakaalam ng sikreto ko. Wala namang pakielam sakin si Raffa or even Billy. Imposible namang si Nathan. Lalo na si Treenie na siya lagi ang natulong sakin kapag may problema sa pagpa-panggap ko.
Wala akong maisip kung sinong gagawa nito. Talaga bang hindi ako nag-ingat? Na-off guard ba ko at hindi ko namalayan na posibleng mangyari ang ganito?
Pero sa loob-loob ko, hindi naman ito ang talagang problema ko. Ano naman kung may makakita sa akin? Ang sama kong tao. Pinagtakpan ko lang ang totoong nangyayari. Kasi sabi sa note, lumayo ako kay Treenie. Hindi ko alam kung bakit naisip kong buti nga at nangyari ito para makaiwas talaga ako sa kanya at sa nangyari sa amin. Wala pa kong matinong rason na sasabihin pero dahil na din siguro tinanong niya nga, nagpanggap na lang ako na wala yon sakin. How I wished hindi big deal yon sa kanya.
"Nakita mo ba kung gaano niya iniyakan ang pag-iwas mo? Zico, paano pala kung hinihintay niya ang paliwanag mo? O umaasa pala siya na may dahilan ang ginawa mo?"
Pero nakonsensiya ako. Hindi ko naisip na iiyak pala siya. Ano nga ba namang karapatan ko diba? Nag-away pa kami ni Nathan. Napunta pa kami sa past. I didn't expect na pupunta dun ang usapan namin. Alam niya kung anong mararamdaman ko. Ganon na ba talaga ako kasama kay Treenie? Gusto niya ba talaga ng paliwanag ko?
Paano kung maging totoo ang sinabi ni Nathan? Na para sa kanya, may dahilan ang halik na binigay ko? Sa pinapahiwatig ni Nathan, akala niya magkakagusto sakin si Treenie. Imposible.
Eh ano namang masama kung magka-gusto siya sayo?
Binura ko na lang yon sa isip ko. Napaka-imposible talaga. Mahirap lang talagang paniwalaan ang predictions ni Nathan.
I owe her an apology. Ginamit ko pa talaga ang issue ng pagpapanggap ko para lang dito? Bakit napaka-duwag ko? Si Treenie naman yun. Kahit anong sabihin ko, tanggap niya. Bakit hindi ko magawang humarap sa kanya?
I decided to call Treenie. Kahit ang daming nagde-debate sa utak ko na wag siyang tawagan. Dahil sa sinabi ni Nathan, kanina pa kong nag-aalala. Gusto ko siyang makita.
At nung tinawagan ko siya, iba ang sumagot. It's Billy. At mukhang problemado siya. Nasa isang bar sila at nakainom si Treenie. Kailangan niya ng tulong and ako naman, agad na pumunta don.
"Zico! Dito! Huuy!" Pagkapunta ko ng bar, nandon na pala siya sa may labas. Yakap niya si Treenie. "Anong nangyari?" Kinuha ko siya agad kay Billy. "Treenie??" Amoy na amoy sa kanya yung alak. Just what did she drink? "Pinainom mo siya?" Inis kong sabi kay Billy.
"Hindi! Kinuha na lang niya bigla sakin yung baso ko!"
"Then why is she doing here in the first place!?!" Mukhang tulog siya and ang bigat-bigat niya. Binuhat ko na lang siya at inalalayan naman ako ni Billy na isakay sa likod ko. "She's crying. At wala naman akong iba pang alam kung saan kami pupunta." She's still crying? God. Alam kong dahil sakin kaya siya umiiyak. Ganon ko ba talaga siya sinaktan? Treenie naman... I didn't know.
Hindi ko siya pwedeng iuwi na ganito kalasing. Sinabi ko na lang kay Billy na ako nang bahala sa kanya. Malapit lang naman ang bahay ko dito and dun ko muna siya pagpapahingahin.