//24:
~*~
Hingal na hingal na pumasok si Treenie sa loob ng classroom. Walang patumpik-tumpik, hinanap niya agad si Billy. "Nasan si Billy?!" Gulat man ang klase sa inis niyang tono, sumagot naman ito ng ayos.
"Sinama siya ng student-council treasurer. Siya daw muna ang papalit kay Raffa kasi absent nga diba?" Mariin siyang napapikit. "Ano bang nangyari?" Nanginginig ang kamay niya. Dahil sa sinabi ni Nathan, natatakot siya na baka tama ang hinala nito.
Bakit nga ba hindi niya nakita? Lagi na lang iniisip ni Raffa ang kalagayan niya. Pero siya? Walang alam sa kung anumang problema ng matalik na kaibigan. Naghahanap siya ng rason kung bakit. She's trying to collect her thoughts again.
Gusto niyang maiyak. At ngayon, wala siyang magawa. Ipapagdasal na lang niya na sana walang masamang mangyari dito. Kung meron man, sana hindi mahuli si Nathan sa pagsagip niya dito.
~*~
[Raffa - 5 years old]
"Really?! Magkakaron na ko ng kapatid?!" Nakaupo si Raffa sa lap ng kanyang papa at nasa terrace sila ng malaki nilang bahay. "Yes, baby ko.
Kinulit niya pa ang kanyang ama. "Lalaki o babae?! Tell me!"
Dumating naman ang mama nila at tumabi sa kanila. Ginulo nito ang buhok niya. "Di pa namin sure, anak. Ano bang gusto mo?"
"A girl! Para may kalaro ako ng barbie ko! No, a boy pala!"
"Dami namang gusto ng baby Raffa ko!" Hinalikan siya ng kanyang ama sa pisngi. "At kung sineswerte, baka kambal! Babae at lalaki!" Tumawa naman silang pamilya.
Lumipas ang araw at buwan. Naging mas mahirap ang kalagayan ng kanyang ina. Sa kabutihang maipanganak ito ng ayos, minsan ay nawawalan na sila ng pagkalinga kay Raffa. Lalo na ang kanyang ina na mukhang hindi na nakikita si Raffa dahil mas nawiwili siya sa lalabas na anak. Pinilit naman ng bata na intindihin ang ina dahil na rin sa suhestyon ng kanyang ama na gusto na nitong magkaroon ng baby dati pa.
Lahat ginawa ni Raffa. Pero mukhang hindi umaayon sa kanila ang lahat. Nasa pitong buwan na ang pagbubuntis ng kanyang ina nang magkaron ito ng miscarriage. Depressed na depressed ito sa pagkawala ng anak. At doon na naglaho ang lahat. Pamilya. Pagmamahal. Ang saya. Nawala.
Binuksan ni Raffa ang mga mata.
A dream?
Ayaw tumulo ng luha niya pero binigo siya nito. Ang childhood memories niya na kung pwede lang sana mabura sa utak niya. Sa pangyayaring yon, doon din nagsimula ang lahat.
Naging malamig na ang pakikitungo ng kanyang ina sa kanya. Tanging papa na lamang niya ang umaalaga kay Raffa. Sa pagsabay sa pagkain, sa pamamasyal... sa pagtuturo, nandiyan ang papa niya. Pero nawala din ito.
Eight years old siya noon nang malaman niyang meron itong ibang pamilya. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang ginawa ng papa niya. Nanloko ito. Ito ang sumira ng pamilya nila. Pero mahal na mahal niya ang ama. Na gusto niya pa din ditong sumama sa pag-alis nito at hindi maiwan sa mama niya na parang hindi niya na kilala. Iniwan siya ng papa niya. Sumama sa iba.