TREENIE'S POV
Natapos na din sa wakas ang morning class. Masaya kong nilabas ang dalawang lunchboxes sa bag ko. I cant help but giggling like an idiot. Hindi ko alam na magiging ganito ako kasaya sa nangyari kagabi.
SA NANGYARI KAGABI!! Pakiramdam ko, may umuusok na ano-ano sa ulo ko. I need to calm down. Inhale exhale. Feel na feel kong kumain ngayon. Hihihihi.
"Two lunchboxes?! Para sa akin ba ang isa? Thanks, Treen!" Kukuhanin sana ni Billy pero hinampas ko ang kamay niya. "Kay Zico yan!" Bigla ko namang natutop bibig ko. I glared at him.
"Yeah, right. Going smoothly huh?" Malawak naman akong ngumiti. Tumango naman akong maigi pero napaisip ako sandali. "Alam mo.... Inisip ko yung sinabi mo sakin." Nagpapasalamat talaga ako sa pagmo-motivate niya sakin. Thankful din ako kay Raffa kahit medyo complicated ang sitwasyon kagabi.
Binigay ko kay Billy ang bentou ko. "Nagbibiro lang ako Treen! Sayo na yan!"
"Sige na!" Pero inabot niya ulit sakin. "Hindi na!"
"Kuhanin mo na kundi may suntok ka sakin!"
"Yes, Mam!"
I sighed. Hinatid niya ko sa may labas at nag-usap pa kami sandali. "So, sa tingin mo may pag-asa ka na?" Pilit akong ngumiti. "Hindi ko sigurado pero pano ko ba sasabihin? Iba ang sinabi niya sakin pero somehow I feel at ease. Nawala lahat ng burdens at doubts na nararamdaman ko. I think, sapat na yon."
Pinunasan ko ang duming nasa bibig ni Billy. "Somehow you're acting like my mother!" Nahiya naman siya sa ginawa ko. Pinagtatawanan din kami ng ibang kaklase namin. "Sobra ka naman! Ang bata ko para maging nanay mo!" Pinisil ko naman ang pisngi niya. "Basta... thank you..."
"Nae-embarassed naman ako ngayon!" Ginulo niya ang buhok ko at tumungo na lamang. Nahihiya din ako sa pinagsasabi ko. "Basta I'm just here-
"Treenie." Napalingon naman agad ako nang marinig ko ang boses ni... Zico. "Uy!" Oo nga pala. Sabay nga pala kami kakain ngayon. Nagpaalam na ko kay Billy at sumunod sa kanya maglakad.
Huminto siya at lumingon sakin. "May problem ba?" Umiling siya. "Nothing." Sumabay ako sa paglalakad niya at tiningnan siya na may ngiti sa labi. Naalala ko na naman ang pag-uusap namin kahapon.
Rinig ko ang pagsarado ng gate sign na nakaalis na si Raffa at Nathan. That idiotic bestfriend of mine. Ang kulit talaga ng babaeng yon. Tiningnan ko si Zico na nakatalikod pa rin. Pero hindi naman maalis sa isip ko ang tanong ni Raffa sa kanya. Mas inaalala ko na hindi siya sumagot sa tanong na yon.
The way he reacted sa mga tanong ni Raffa. Kahit itago niya pa yon, nakita ko pa din. He looked stoic. What should I do to lighten up the mood?
"Hahatid na kita pauwi, Treen. Tara na?"
"O-okay!"
Wah! I responded ng wala sa sarili. I don't want to go home right away. Gusto ko pa siyang kausapin. Tungkol sa advice sa akin ni Billy. Pero paano ko yun sisimulan? Baka sabihin niya nagiging naggy na naman ako.
It can't be helped then.
Tahimik kaming naglalakad sa madilim na kalsada. Suddenly, it felt so awkward. Gusto kong magsalita pero parang wag na lang. Okay na tong kasama siya ngayon. At ihahatid niya ko sa bahay. Hihi. Feels good. Kahit papano na-lighten up ang puso ko. Haist. Hirap pag inlove. Laging push and pull. Gusto mong mag-give up pero babalik ka sa dati. I wonder kung ano nga ba ang tama? Holding on or letting go?