Untitled Part 32

91 6 2
                                    

//32:

~*~

Pagkatapos niyang pumasok ng restaurant, tinanong niya sa receptionist na he's meeting with someone. Ang ilan sa mga tao, nakatingin sa kanya. Kinikilig at pinag-uusapan siya. Even the other waitresses are checking him out. But he doesn't give a damn. Gusto niya na makipagkita sa pamilya kahit sandali para madali din siyang makaalis.

Inayos niya ang pormal na suot. Ngayon lang siya nakapagsuot ng maayos na damit. Sa school, dapat maganda ka. Pero nawalan na din siya ng time na ayusin ang sarili kapag hindi siya nagdi-disguise as Zenna.

"Zico!" He heard his sister's voice at halos matumba siya sa bagong itsura nito. Nagpa-ikli na ito ng buhok hanggang leeg. She's cute pero laging sinasabi ng ate niya na she loves growing her hair in such lengths. Ang sarap ayusan kasi. Ngayon, pwede na kaya siyang hindi na mag-wig? Just saying.

Lumapit siya sa ate niya at hinalikan ito sa pisngi. Hindi na siya nag-atubili na batiin ang papa niya at wala din namang balak ang ama. Ganon naman silang pamilya. Kung hindi lang sa ate niya, hindi na siya uuwi sa Pilipinas. Masaya na siya sa New York. At least, mas maganda ang buhay doon at madaming pwedeng gawin. Dati, ang pathetic lang ng dahilan niya kung bakit siya pumuntang ibang bansa. It's uncool for him to go away just because Harley made his heart broken. Pero sa katagalan na din, nagustuhan na niya na din dun.

Kung bibigyan kaya siya siguro ng pagkakataon, babalik ba siya ng New York?

Ngayon, hindi niya na alam ang gusto. He just shrugged by the thought.

"So? Bakit nga pala tayo nandito?" Tanong niya kay Zenna while looking at the menu. "Geez. Lunch with my fiancée and his family, diba?"

"Oh, right." He acted like he just remembered it. Pero sa totoo, wala naman siyang pakielam. Dumating na nga ang pamilyang magiging pamilya niya na din pero hindi niya pa rin mapigilan ang inis. Naramdaman niya na lang na humigpit ang hawak sa kanya ni Zenna, mukhang napansin niya.

Lahat, ginagawa niya sa ate niya. Sa ate niya lang. Kasi, sa totoo lang... sila na lang dalawa ang nagdadamayan. Ang tatay niya? Pera lang ang habol niyan. Para mapalago ang negosyo nila, pinagbili nito si Zenna. Pero si Zenna, nakukuha pa ding ngumiti.

At ngayong wala ng dahilan pa para magkaroon sila ng komunikasyon ni Nathan, hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ng ate niya. Magaling itong magtago ng nararamdaman. Pero ang pagpapagupit kaya nito ng maikli ang simula ng pagmu-move on niya?

Ano nga ba kapag sinabi mong move-on?

Nung panahong nasa New York siya, agad niyang nakalimutan si Harley. Nasa bagong environment siya at na-divert ang isip don. Naging busy siya sa ibang gawain. At nang pinabalik siya ulit sa Pilipinas, natatakot siyang bumalik sa dati. Pero unti-unting umayos ang lahat.

Sapat na ba yun para masabing naka-move on na siya?

After what seems like eternity, natapos ang lunch. Lumabas siya at pumunta sa may veranda. Nakalanghap na din siya ng hangin sa wakas. Binisita niya ang phone at nakita niya ang text kahapon ni Treenie. Na samahan siyang matyagan ang date nina Raffa and Nathan. Sasama sana siya kung hindi lang sana sa ganitong meeting.

[Exopink Series 3] B i s h o u n e n!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon