Matagal akong nawala, guys! Please bear with me! Anyways, dito na magsisimula ang main idea! Guess what!!
//47//
"HATSING!" Naglalakad papuntang school si na Treenie, Raffa at Billy. "Mukhang magkakasakit ka na naman yata?" Untag ni Raffa sa dalagang binabahin.
Inabutan ni Billy si Treenie ng panyo. "Thanks, B."
"Nako, bawal yan! Malapit na ang field trip! Sama-sama tayo dun!"
"Oo nga no. Kailangan ko na ng gamot."
"Bakit ka nga ba sinipon ng ganyan?" Tanong ni Billy. "Wala. Madaling araw na ko pumasok ng bahay kasi kasama ko si Zico."
"Ha?" Nanlaki naman ang mata ni Treenie sa sinabi niya. "Ha? May sinabi ba ko?"
"Oo. Madaling-araw?" Nanlilisik ang mata ni Raffa. "Gosh, Treenie... Anong ginawa niyo nung oras na yun?" Segunda ulit ni Billy.
"G-ginawa?!?!" Naalala na naman niya ang nangyari two days ago. Ang first kiss nilang dalawa as a couple.
"Hoy namumula ka na!!!"
"Wag niyo na nga akong tanungin!!" Tumakbo na ito.
Pinaypayan ni Treenie ang sarili. Hindi na naman siya mapalagay. Hanggang ngayo, nire-rewind pa din niya sa utak ang ginawa nila ni Zico. So soft... Mukha na siyang bastos sa naiisip niya pero wala siyang magagawa.
I want to kiss him again...
"Argggh!!!" Sigaw niya, nagulat naman ang ilang kaklase siya. Buti na lang wala pang professor.
Ilang minuto, dumating na si Mam Juniper. "Good morning, class." Nagsibalikan na ang students sa upuan nila. "Before anything else, ipapakilala ko muna sa inyo ang bago niyong kaklase."
Rinig ang bulungan. Tatlong buwan na lang, matatapos na ang term. Imposibleng may tumanggap pa ng student. Baka mayaman kaya pinapasok na din siya.
"You can come in." Isang lalaki ang pumasok. Naka-eye glasses ito at sobrang gwapo. Ang kaninang bulungan, nauwi sa tilian.
"Oh! So pogi!" Komento ni Treenie kay Raffa na katabi niya. "Really?" Kibit-balikat na sabi ni Raffa.
"I'm Caleb. Nice meeting you all." Hindi ito ngumigiti pero ang dami pa ding nahumaling.
"Ang ganda din ng name niya!" Kilig na sabi ni Treenie. "Hoy, may boyfriend ka na."
"Heh! Hindi naman mawawala ang pagmamahal ko kay Zico!"
Napansin naman ni Raffa si Billy. "May problema ba, Billy?"
"H-ha? Wala..." Tumingin si Billy kay Juniper. Parang may iba sa kanya...
Naghahanap ng mauupuan si Caleb. Meron siyang nakitang bakanteng upuan sa likod ni Treenie. Ang daming nagsasabi ang swerte ni Treenie na makakatabi nito ang bagong hottie.
Nang umupo na ito sa likod ni Treenie, umarangkada naman ang pagiging friendly ni Treenie. "Hi! Ako si Treenie."
"Hi din." Sabay ngiti.
Ang ganda din niyang ngumiti!!!
Hindi alam ni Raffa kung bakit nababahala siya.
"Let's start our lesson. Get your language book."
Lumingon si Treenie kay Caleb. Wala pa pala itong libro. "You can use mine. Makiki-share na lang ako sa bestfriend ko. This is Raffa and Billy nga pala." Ngumiti na lang ang dalawang magkaibigan.