//25:
~*~
Padabog na hinampas ni Robert ang center table dahil sa sobrang galit. "I can't believe pinabayaan ka ni Farrah sa ganong lalaki!" Kauuwi lang ng tatlong magkakaibigan sa residence nina Billy at doon kinwento sa mga magulang ang nangyari.
"Dad, calm down." Sabi naman ng asawang si Casey. "No, Casey. Sobra na ang babaeng yon. Sinasaktan niya si Raffa and ngayon, ito naman!?" Napatingin na may awa si Treenie sa nakatungong kaibigan. Di niya maiwasang malungkot. All these time, walang sinasabi si Raffa sa kanya. Siya din naman ang sumisisi sa sarili niya at hindi niya napapansin ang shortcomings ng bestfriend. I'm the worst.
Si Raffa naman ay nanatiling tahimik, leaning on Billy's shoulders. Nanghihina pa rin siya hanggang ngayon. "Treenie, hindi ka pa ba uuwi?"
"No... Hindi kita iiwan, Raffa!!" Naiiyak na naman si Treenie. Ngumiti ang kaibigan. "Safe na ko dito."
"Please let me sleep with you!!" Pilit na sabi ni Treenie. "Okay."
"Dad, ano nang gagawin mo ngayon?" Billy asked. "Obviously, kukunin ko si Raffa. Aayusin ko na ang mga papeles na kailangan. Sapat na ang nangyaring ito para makuha ko na ang anak ko." Pilit na ngumiti ang ama. "Don't worry, baby. You will be safe here. Kasama mo na 'ko. Anything will be okay right now."
Matagal niyang inasam na makasama ang Daddy niya. Pero maisip niya pa lang na maiiwang mag-isa ang mama niya, hindi niya maisawan to feel lonely for her. After all, ang tagal nilang nagsama kahit masakit para sa kanya. Nung panahong pinipilit pa siya dati ng papa niya na lumipat sa kanila, hindi siya pumayag. It's too awakward for her na makasama ang bagong pamilya nito and at the same time.... Umaasa siyang magbabago pa ang mama niya.
Hindi na siya umimik sa sinabi ng ama. "Mukhang pagod ka na, anak. Billy ihatid mo na sila sa kwarto niya." Niyakag naman niya ang kapatid at si Treenie.
Sa kwarto
"Can I take a bath first? I feel so sticky." Tanong naman ni Treenie. "Sure, may banyo sa kwarto ko Treen. Hindi pa nagagawa ang banyo ni Raffa. Dun ka na lang maligo. Samahan na kita?" Billy suggested.
"BASTOS KANG HAYOP KA!!"
"Huh?" And Billy just realized what he said. "I have no intentions at all!" Pero nasapak na siya ni Treenie at nagsimula na ang rambulan. Napapatawa na lang si Raffa sa makukulit na kaibigan. Tumingin siya sa bintana at nagisip-isip. Wala ng rason para hindi siya sumama sa ama niya. Siguro nga kelangan niya munang lumayo sa ina. Natatakot na siyang bumalik sa bahay na yon.
Pumasok naman si Casey sa kwarto. "Raffa, anak? Pwede ka bang makausap ni Mama?" Nagtinginan ang tatlo. "Sure, Ma." Lumabas naman silang dalawa.
"I know you're still doubting na tumira sa amin, anak. Pero alam mo naman ang kalagayan mo diba?" Tumango si Raffa. "Hindi na papayag si Robert na bumalik pa sa Mama mo. You need to understand, anak."
"Yes, Ma."
"I know ayaw mong iwan ang mama mo." Humingang malalim si Raffa. "Naiintindihan kita. Ina din ako. And I believe na alam din ni Farrah ang makakabuti sayo."
"She do?"
"Mothers know best pagdating sa anak nila. She's still a family. Nararamdaman ko, thankful pa din siya na sa kabila ng pains and sufferings, hindi mo siya iniwan." Tumulo ang luha ni Raffa. "She still loves you."
Yumakap si Raffa sa stepmom at nagpatuloy sa paghagulhol. Lingid sa kaalaman, bukas ang pinto at nakikinig si Billy. Muli niyang sinarado ang pinto.
"Anong klase akong kapatid?" Tumitig naman si Treenie. "Ako din. Anong klase akong kaibigan? Laging nakikita ni Raffa kung anong problema sa atin pero hindi natin alam na siya lalo ang nagsa-suffer. Kumpara sa lovelife ko, mas kailangan niya ng karamay dahil sa nangyayari. But I became oblivious sa mga nakikita ko." Treenie tapped his shoulder. "Pero ngayon, alam na natin ang nangyayari kay Raffa! Let's try our best, okay!"