Untitled Part 39

88 5 2
                                    

//39:

~*~

I tell myself that I can't hold out forever

I said there is no reason for my fear

'Cause I feel so secure when we're together

You give my life direction

You make everything so clear

 

"Treenie, is it really too late for the two of us?" Sa sinabi ng binata, isang sampal ang dumapo agad sa pisngi niya. Hindi yon sinasadya ni Treenie. Nabigla lang kasi siya sa salitang sinambit nito. Mukhang wala ito sa katinuan. Baliw si Zico... Baliw... Paano nito nasasabi ang ganong salita gayong alalang-alala niya pa ang nangyari dalawang linggo pa lang ang nakakaraan?

May pa-please please pa siyang nalalaman dati? Nagmakaawa na sumuko siya dito? And then what? Ngayong hindi niya na ito pinipilit, na-realized na ba ng binata ang worth niya? Tama ba ang kasabihan na tsaka mo lang makikita ang importance ng isang bagay pag nawala sayo?

Hindi siya naniniwala sa ganong kasabihan. Kung talagang importante sayo, gagawin mo ang lahat wag lang mawala sayo. Kaya nga may taong nagiging selfish eh.

Hindi siya naniniwala kay Zico. Hindi na. Ang sakit na kasi eh. Mas nahihirapan siya ngayon. Push and pull na lang lagi.

"It's really over for both of us! Bakit mo ba 'to ginagawa? Kasi wala ng magmamahal sayo na katulad ng ginawa ko? Kaya ba nagpapakita ka ng ganito? Kahit hindi mo ko mahal, basta nasa tabi mo lang ako..." Pinigilan niyang mapaiyak. "At sabihin sayong mahal na mahal kita... ayos lang? Naniniwala ka na hindi kita iiwan pero ikaw ang may kasalanan nito! Ginusto mo to!?"

Hinampas pa niyang mahina ang dibdib nito. Nababasa na din siya ng ulan. "Hindi mo ba talaga naiintindihan? Ikaw yung nagsabi na sumuko na ko! Sa tingin mo, pwede mong bawiin kahit kelan mo gusto? Akala mo hindi ganon kadali magbabago ang nararamdaman ko sayo?!" Napapikit siyang mariin at sinampal niya ulit ito ng isang beses.

"If you thought, I will keep you chasing then dream on! STUPID ZICO!" Tumakbo na siya palayo dito kahit nababasa na siya ng ulan. Gusto niya lang makaalis sa harapan niya. Pakalmahin ang puso niya sa nangyari. Humingang malalim kasi ganon pa rin ang pakiramdam. Mabilis at nakakakaba.

Ang epekto ng pagmamahal niya kay Zico.

"TREENIE!" Ibang boses na ang narinig niya kaya napalingon na ang ulo niya. Doon niya nakita si Juno, may dalang payong. "What the hell? Kagagaling mo lang sa sakit!" Inalis nito ang blazer at agad na binalot sa kanya.

Napatitig siya kay Juno. Sa taong ito, alam niyang magiging masaya siya. Masarap din namang mahalin ka. Alam niya sa sarili na matututunan niya ulit mahalin si Juno. Ang daming taon na kasing lumipas at nakalimutan niya na kung paano ba niya minahal ito.

Napapaiyak na naman siya. Ang taong kaharap niya na humihingi ng second chance. Dito lang dapat siya tumingin. Dapat niya ng kalimutan si Zico. Napapikit siyang mariin at humingang malalim ulit. Inayos niya ang sarili at ayaw niyang makahalata si Juno.

[Exopink Series 3] B i s h o u n e n!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon