@uthor: Guys! 50th chapter na pala itey! Thanks for reading!!!
//50//
Ginagamot ni Raffa ang bruises na natamo ni Nathan galing kay Zico. Walang nag-iimikan sa kanilang dalawa. Shock pa rin siya sa mga nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na walang sinabi si Nathan sa mahabang panahon.
Wala siyang maisumbat na kahit ano. After all, ginusto niyang magbagong-buhay si Zico. Pero mali pa rin na inakala lang ni Zico ang lahat. At ang totoo na alam ni Treenie...
"Where is Treenie?" Tanong ni Nathan. Umiling si Raffa. "I don't know..."
"Find her, please." Tumungo si Nathan. "I want to be alone for now." Parang tinusok ang puso ni Raffa. Sa panahong ganito, sa sitwasyong nangyari at hindi naman siya kasali, imposileng may magawa sya.
Gusto niyang sabihin na naiintindihan niya si Nathan.
Pero ano nga ba ang tama?
Lumabas si Raffa. Sinimulang hanapin si Treenie. Sa room nila, wala ito. Sa seashore, wala din ito. Nagsisimula na siyang mag-alala. Wala pa si Billy para tulungan siya.
"Sinong hinahanap mo?" Lumapit si Caleb sa kanya. Kung hindi dumating si Caleb sa mga buhay nila, mangyayari kaya ito?
Hindi niya magawang magalit. Hindi alam ni Raffa kung pinanganak ba siyang marunong lang lumaklak ng realidad hindi katulad ng iba. Na lahat may reason. Na lahat ng problema, may solution.
"It's Treenie. Kanina ko pa siyang hinahanap."
"Tulungan na kitang maghanap sa kanya."
"Sure."
Habang naglalakad sila, napansin niya na may pasa din ito sa labi. Sinuntok nga pala siya ni Nathan.
"It doesn't hurt that much." Napansin pala siya ng binata. "Sorry sa ginawa niya."
"Don't be. I think it's my fault naman. Mahal ka lang niya talaga. Sorry din sa mga sinabi ko sayo sa bus kanina." Nakahinga siyang maluwag.
"Bakit ka nga ba dumating sa buhay namin? Sinira mo ang lahat." Tumawa itong mahina. "Sinira?"
Nagkatitigan sila. "Masyado kang mapangarap na maganda ang buhay, Raffa. Dahil ba to sa pagmamahal ni Nathan sayo?"
Hindi siya makaimik. Pakiramdam niya, tama ang binata. Akala niya na masaya sa huli. Nasa realidad nga pala sila. At ito pa lang ang simula. Ngayon pa lang nila nararanasan ang sakit ng katotohanan sa mundo.
"Hindi ko alam. Siguro, nung mga panahong ako lang mag-isa... Binigyang kulay ni Nathan ang buhay ko. Masama bang mag-isip ng ganon?"
Ngumiti na lamang si Caleb. "Kamusta si Treenie?"
"Umiiyak siya dahil sayo."
"Dahil sakin? O dahil sa hindi matanggap ni Zico ang lahat?"
Naalala na naman niya kung paano nilampasan ni Zico si Treenie. Na parang wala itong balak na makinig sa paliwanag nito.
"She's a strong woman." Tumingin si Caleb sa kanya. "Ang hindi ko alam ay kung malakas din si Zico katulad niya."
"Dumating ako dito to get revenge. Pero nung makita ko kung gaano ka-sincere si Treenie sa kanya, nawala lahat. Kasi, yun ang nakita ko kay Harley dati nung panahong gusto niyang ipaglaban si Zico."
May napansin siyang galit sa mukha ni Caleb.
"Alam mo ba kung bakit sinabi ko kay Treenie ang lahat? Para magkahiwalay sila ni Zico. It's for her own good also."