PS: I can only open this acct through facebook. I cant verify already my account coz i forgot my password. Even my yahoo, too. Sorry! I cant even comment already and i think, baka mawala na din ang acct na to if hindi ko siya ma-verify! And because of this situation, gumawa ako ng bagong acct: http://www.wattpad.com/user/aeceepanda. As long as mao-open ko pa ito through fb, ito ang gagamitin ko. If hindi na, edi yung isa na :) You can get the link to sa profile ko! Thanks!
xxSix
~*~
Nakatulala si Treenie sa may labas at pinagmamasdan ang mga estudyanteng abala sa darating na school festival. Huminga na lamang siyang malalim at umiling. Sinisisi talaga niya ang sarili kasi di siya nagpakahusay. Ngayon, isang linggo siyang mabo-bore sa monotone na boses ng teacher na naatasang magturo ng supplementary nila.
Alam na alam niya na ang mangyayari sa loob ng isang linggo niya. Nakakainggit ang mga kaklase niyang nagkakatuwaan at naghaharutan. Pero ano pa nga bang magagawa niya?
Kinuha niya na ang mga gamit sa locker at nagsimulang umakyat papuntang room nila. Nakita naman niya si Zico na pababa. May konting segundo silang nagtitigan na parang nagkakahiyaan pa sila.
"Yow." Sinira na ng binata ang katahimikan. Hindi nagsalita si Treenie at pilit lang na ngumiti. Pero napansin niya na nakasuot ito ng uniporme. "May supplementary class ka din?" Dahil nga naghahanda ng school festival, wala namang klase kaya napayagan ang mga students na mag-ordinary na damit. Tanging sila lang mga bagsak ang nakauniform.
"Y-Yeah. I messed up." Napakamot ito ng ulo. Dahilan ng binata na kinaasim naman ng mukha ni Treenie. "Bakit di mo na lang sabihing di ka nag-aral?"
"I did study! It's just that... sa sobrang pagmamadali kong natapos... mali-mali ang lagay ko ng sagot sa item number." Nahihiya pa si Zico na sabihin yon kasi alam niyang mukha siyang tana na sumablay pa. Tiyak, may parusa siya sa ate niya pag nagkita ulit sila.
Kaya pa niya na akuin ang pagiging Zenna, pero ang pati pag-aaral nito ay wala sa usapan. Hindi naman siya ganong katalinuhan katulad ng genius niyang kapatid. Lalo pa na running ito as Valedictorian. Ewan niya na lang kung buhay pa siya kinabukasan.
Inaasahan niya ang disgusted na mukha ni Treenie at ang sagot nitong katanga mo talaga. Pero iba ang nakita niya. Tumawa ito ng malakas. "Hahhahahaha!!! You're so cute!" Nabigla naman siya don. Ano bang nakain nito?
Nilampasan na siya ni Treenie pero may pahabol siyang tanong. "Hindi ka na ba malungkot?" Napatulala naman ang dalaga sa tanong. Tsaka ngumiting matamis. "If ever man na mangyari yon, nandiyan ka naman para sakin diba?"
Hindi agad nakapagsalita si Zico. Lalo pa na't sa ginagawa ni Treenie, may naaalala siya.
"Kidding. Alam ko naman na kay Zenna ka kakampi diba? Don't worry, ako yata si Treenie. Hindi ako sumusuko dahil nakita ko lang na magkasama sila." Tsaka ito nagpatuloy sa paglalakad.
Nasa pintuan ng room si Treenie at sa kakaisip kanina ay napatigil siya sa pagpasok. Tama lang naman ang sinabi niya. Malayo na ang narrating niya. Ito pa ba ang time para sumuko siya? Wala sa pamilya nila ang marunong sumuko.