Guys. Badly need your opinion. WHAAHHAHAHAHAHHA
//Chapter 56\\
Umaga. Zico is feeling groggy habang bumabangon sa kanyang kama. Ang dami niyang nainom. Gusto na lang niyang matulog buong araw pero may nakapukaw sa kanyang pansin. Ang bango ng naaamoy niya.
"Good morning! Pinakielaman ko na ang kitchen mo ha? I want to cook you my amazing breakfast menu for today!"
Napangiti siya. She's back, sabi ng isip niya. Mabilis siyang tumakbo patungong kitchen. Alam na alam niya ang amoy na un. Kanyang-kanya. It's her.
"Treen!?"
Lumingon ito.
"Good Morning, Zico." Nawala ang ngiti sa labi niya. "Alexa..."
And suddenly, naalala niya ang nangyari kagabi. They kissed. "Why are you here?"
"Hindi kita pwedeng iwanan na lasing, Zico." Napaupo siya sa bakanteng silya and he can feel his heavy breathing. It's blurry. Gusto niyang umiyak ulit. What have I done?
Lumapit si Alexa sa kanya. "Are you feeling okay na?"
Hahaplusin na sana ni Alexa ang mga pisngi niya pero umiwas agad si Zico. "Please leave.. Please... Alexa..."
"...Okay...." Hinalikan ng dalaga ang pisngi niya. Narinig niya ang pagsarado ng pinto, hindi niya na kinaya at humagulhol na siya. Paano niya maaatim ang ginawa niyang katangahan?
Paano niya nagawa yun kay Treenie?
School
"Treenie left?" Nagkatinginan si Nathan at Raffa. "Saan daw siya pumunta?"
"E yun nga. Susunduin ko sana si Treenie. Sabi naman ni Kuya Troy, madaling araw daw umalis yung gaga na un at nag-iwan na lang ng note na may kailangan daw itong puntahan."
Napaisip si Raffa. "Where the hell did she go... Btw, nakausap mo na ba si Zico?"
Malungkot na umiling si Nathan. "I went to his house at wala din siya dun."
"Nagtanan sila?" Sumimangot si Raffa sa sinabi ni Billy. "Not funny. Ni hindi nga natin alam ang status nilang dalawa ngayon. May sinabi ba si Kuya Troy kung anong oras siya babalik?"
Billy just shrugged. Ayaw niyang mag-alala pero hindi niya maiwasan.
Tumunog ang bell. Nagpaalam na sila kay Nathan. Bago pa makapaglakad ang binata, tumunog ang phone niya. It's Zico.
"Yeah?" Umiling si Nathan. "Everybody seems to know nothing where she went."
[Are you sure? Baka tinatago lang nila si Treenie sakin...]
"Zico... just let her for a while."
[No..! I want to talk to her. Please... just let me know kung alam niyo na kung nasaan siya.] Humingang malalim si Nathan. "Okay... okay."
Makalipas ang dalawang araw, nalaman nilang nasa Laguna pala ang dalaga.
"Are you telling the fucking truth, Nathan?" Kanina pa siyang inis na inis. Malapit nang maubos ang gasolina ng kotseng sinasakyan niya. Pero naliligaw pa din siya. Kausap niya si Nathan sa phone at pilit siyang kinakalma.
[Dude, I swear... Troy told Raffa. Nasa Laguna ka na ba?]
"Kanina pa. At hindi ko na ala kung nasaan ako!"