//40:
AN: Namiss kong mag-pov!!! Hi guys! Vote and comment! Mej hassle dahil sa work! Ilang weeks ba ko nawala? COMMENT AND VOTE!!!
TREENIE'S POV
"HA??" Ayun lang ang nasabi ko sa simpleng sagot niya sa exaggerated kong tanong na bakit ka nandito?? Hininaan ko yung boses ko kasi nasa tapat pa rin kami ng bahay ko. Made me think. Bakit alam niya ang bahay ko. Never ko siyang dinala dito. Stalker?
Sinampal ko ang sarili sa isipan. Ako na naman at ang katangahan ko. Hindi na talaga ako nagtanda anu?
At hindi ko na mawari kung nananadya ba talagang wala siyang alam sa pinag-dadaanan ko ngayon? Malinaw pa sa dagat ng Boracay ang sinabi ko sa kanya. It.is.really.over.
Alam na alam niya na naiwas ako. Pero sisisihin ko ba si Lord God kung bakit lagi na lang kami nagkikita? Even in weekend?! Oo, magkapatid sila ni Zenna! Pero hindi ako umaasa magkikita kami. Oo, mukhang abay din siya pero naisip ko kasi na baka nauna na siyang ayusan. Talagang iniisip ko na hindi kami magkikita. Hinding-hindi talaga. What's the point in hoping pa?
"Don't make me say it again. Tara na." Tsaka ko na lang nakita na may dala pala siyang motorbike at akmang sasakay na dito. Kahit kelan, hindi ko nawari na marunong pala siyang magpa-andar ng motorbike. Hindi bagay sa kanya. Mas malaki pa ang motorbike sa katawan niya.
Binigay niya sakin ang helmet at malapit ko ng abutin ng ma-realized ko ang gagawin ko. Talaga bang sasabay ako sa kanya?!
"NO!! I can go there ng ako lang!" Tinaasan niya ko ng isang kilay at huminga siyang malalim. Minsan di ko na maisip kung naglalaro lang siya na manhid o wala lang talaga siyang pakielam basta ba dapat araw-araw ma-peste niya ko. Pisti talaga.
"I know you can go alone. Pero alam mo ba kung saan?" Dun naman ako hindi makasagot. Wala kaming usapan ni Zenna basta magkita lang kami sa mall. "Tell me. Saan ba?"
"It's a secret."
"ZICO?!! Sabihin mo na lang kasi!"
"Just be practical, Treenie. Taxi, magbabayad ka pa." Oo, alam ko naman yon. Napaisip akong malalim. Wala naman talagang masama na sumama ako sa kanya. Kapatid siya ng bride diba? Pero makakasama ko na naman siya? Gulong-gulo na ko.
"C'mon. You're safe with me." Ayan na naman siya sa mga salita niya. Diyan ako nainlove eh. At sa bibig niya din mismo, gumising ako. Umiling na lang ako. Haist. Panira ng araw, agang-aga.
Inis kong kinuha ang helmet at sinuot yon. Ramdam kong tinutulungan niya ko kasi nalapat ang kamay niya sa leeg ko. Bigla akong nataranta ng bongga. "Ako na! AKO NA!" Aish. Hangga't kaya kong tiisin, magagawa ko pa naman sigurong maka-survive ng isang araw na kasama siya.
Madali lang naman sigurong sukatan. Aalis na agad ako dun.
Sumampa ako sa may likuran niya. Ang init. Sobrang init. Bwisit si Haring Araw.
"Dalian mo na! Baka makita pa ko ng kuya ko!" Napairit ako ng malakas ng umandar ang kotse. "Hinay hinay walanghiya ka!"