xxTwelve:
AN: Anong gusto niyo? POV ng bawat characters or narrated na lang? Mehe! *wink*
~*~
Lunch break
"Treenie, let's go get some-" Napatigil sa pagsasalita si Billy nang makitang wala na si Treenie sa kanyang upuan. "Na naman? Ilang beses na ba siyang hindi nasabay sa atin ha?" Pagtatampo ng binata.
Napansin naman yon ni Raffa. Ilang beses na nga ba? Mag-iisang linggo na rin. Isa lang naman ang nakikita niyang dahilan kung bakit. Alam niyang makikita nila si Nathan. Pakiramdam niya, napapaglihiman siya kahit bestfriend siya. Pero pinigilan niya ang mag-doubt. May tamang oras din at masasabi din ni Treenie lahat. Hindi lang ito handa.
"Baka naman may iba nang kaibigan ang bestfriend natin!?! OMG Treenie, you traitor!!" Sinampal niya naman ang kapatid. "Tara na kasi!"
"Okay, okay!"
~*~
Rooftop
Nakatulala lang si Treenie sa kawalan habang nginunguya ang pagkaing baon niya. Hindi niya bet ang mag-binalot. Hassle lang at tuwing umaga, madami na agad ginagawa ang kanyang ama at ayaw naman niya itong abalahin pa.
Pero dahil ayaw niyang makita si Nathan kashit si Zico, humingi siya ng pabor sa kanyang ama. Magi-isang linggo na din siyang pinagluluto. Naalala pa niya na sobrang saya ng kanyang magulang dahil first time daw ito. Huwag daw isipin ng dalaga na nahihirapan siya. Mas masarap nga naman ang lutong bahay kesa bumili. Sumang-ayon naman siya don.
Heto nga at ang bilis ng kain niya sa sobrang namnam at sarap. Wala na siyang pakielam kung manaba ulit siya. Ginawa niya lang naman yun para kay Nathan. Ngayong hindi na sila mag-uusap pa ng binata, gusto niya na lang gawin ang gusto niyang gawin dati pa. Dahil nga nagda-diet siya, ilang beses din siyang nag-skip sa pagkain. Para sa kanya ang ilang linggo na hindi pagkain ng masarap, ay isang taon.
Kaya lulubusin niya ang mga nakahain sa kanya ngayon. Bacon, eggroll, fried mash potato at Scotch egg... Sarap umiyak dahil sa sobrang sarap.
Mukhang nagtataka na din siguro ang mga kaibigan, lalo na si Billy. Pero alam naman niyang mapapagtakpan ito ni Raffa. Wala man silang communication na may problema nga siya... Alam niyang kilala siya ng bestfriend. Alam niyang alam din ni Raffa na gusto din niyang makapag-isa kahit papano.
At masasabi niyang duwag din siya dahil sa nagtatago siya kay Nathan. Hell, mukhang di nga ako hinahanap nun eh. Tandang-tanda niya ang ekspresyon ng mukha nito. Galit it okay Treenie. May kung anong tumusok sa puso niya. Huminga siyang malalim kasi kahit anong oras, pwede nang mag-tubig ang mata niya.
Mabilis na lang siyang kumain. Naka-indian seat siya at nakasandal sa dingding ng pintuan ng rooftop. Nagagandahan siya sa langit. Naalala niya si Zenna. Kamusta na kaya siya? Kahit naiinis siya don... Alam niyang mabuti si Zenna. Pinilit niya na lang intindihan na lahat ng bagay ay may rason.
Kamusta na kaya si Nathan?
"Treenie." Napatingin naman siya sa tumawag at nabulunan siya ng makita si Nathan, nakapasok ang ulo sa may pinto. "Ugghh!!" Umubo siya ng umubo. "God, sorry....I startled you." Inabot nito ang bottled water niya. Isang lunok ang ginawa niya at nakahinga siyang maluwag.
"Okay ka na ba?"
"H-ha?!! Ah oo...." Bug dug bug dug
Kahit ang sakit sa pakiramdam na ginawang magalit sa kanya ng binata... Hindi niya mapapagkaila na mahal niya pa rin ito. I wanna die. Ang daming rason para magalit din sa binata. Pero nawala lahat yon. Isang tingin niya lang sa maamo nitong mukha. Hindi niya kayang magalit dito. Hinding hindi ko kaya.