11: Sunrise

122 8 2
                                    

xxEleven:

~*~

1 hour ago

Nakatulala si Nathan habang hawak-hawak ang parisukat na box. Napangiti na lamang siya habang iniisip ang mangyayari kapag nagkita na sila ni Zenna. Ilang beses nab a siyang humiling para makasama ang dalaga? Hindi sapat ang ilang oras lamang para sa kanilang dalawa. He wants more.

Binuksan niya ang box at laman nito ang isang diamond necklace. Wala siyang pakielam kung mahal ito. Unang kita niya pa lang dito ay alam niya ng babagay ito sa dalaga.

Kasabay ng pagbigay niya dito ay ang pagsasabi niya ng lahat-lahat ng nararamdaman niya. Ang kalungkutan na nawala siya... Ang katagang dati niyang binitawan sa dalaga-ang pagmamahal niya. Hindi niya na hahayaan na mawala si Zenna sa tabi niya.

I love you...

Pumikit siya at dinamdam ang hangin na nagpapagaan ng kanyang pakiramdam.

"I love you, Zenna...."

"Nathan." Agad siyang napatingin at nakita niya si Zenna sa harapan niya. Hindi niya mapigilan ang matuwa. Para siyang isang bata. "Zenna." Lumapit siya dito at niyakap ng mahigpit.

"I miss you so much." Sabi niya. Nagkatitigan sila. "Don't leave me alone again."

Hindi umimik si Zenna. "Upo tayo, Nate."

"Sure."

Tumingin siyang muli sa dalaga na nakatulala naman ngayon sa makinang na langit. Gusto lagi ni Zenna ang tumingin sa mabituing langit. Para daw silang mga alahas. She loves diamonds. Kaya bagay na bagay ang regalo niya.

"Zenna-

"Natatandaaan mo pa ba nung mga bata pa tayo... Family day non at umiiyak ka kasi wala ang mga magulang mo non." Mapait na ngumiti si Zenna. "Tapos hinila mo ko nun at sabi mo, ako ang pamilya mo."

"Lahat ng nangyayari sa buhay ko na kasama kita, kelanman di yun naalis sa isip ko." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinalikan yon. "Being with you is the best days of my life."

Hindi nakaimik si Zenna. Kahit anong oras, pwede nang tumulo ang luha niya.

"Zenna, please... Wag ka na ulit umalis." Pakiramdam ng binata, nang hinayaan niya si Zenna na umalis, ay nawala na din siya. Ganon niya ito kamahal. Ayaw niya na ulit mangyari yon. Ayaw niya ng magpanggap na malakas, na masaya.

"Nathan...."

"Please be my girlfriend." May halong sinseridad sa boses niya. "Sa tingin mo, hindi na naman ako nag-iisip? Na bata pa ako? Zenna, ang alam ko lang talaga... Mahal na mahal kita. Hindi pa ba yon sapat?"

Tumulo ang luha ni Zenna. "Zenna... May prob-

Tumayo ito. "Nathan, ito na ang huli nating pagkikita. Sa US na ako titira."

"Huh?" Napatayo din siya. "W-why?"

"Ikakasal na ko sa iba, Nathan."

Umiling si Nathan. He's trying to stay compose. Iniisip na nagbibiro ito. Pero bigla na lang tumulo ang luha niya. Nakikita niya ang seryosong mukha ni Zenna.

"Mahal kita Nate pero kahit kelan, hindi yon magiging magiging katulad ng nararamdaman mo sakin."

"No... Zenna, iiwan mo ulit ako?"

Hahawakan niya sana ang dalaga pero umiwas ito. Nakaramdam siya ng pagkatakot. Nahihirapan siyang huminga. "Nasasabi mong mahal mo ko kasi attached ka sakin. Kasi ako ang tinuturing mong guardian mo."

"Hindi yon ganon." Malumanay nitong sabi.

"Nathan, I'm not the one for you." Tumalikod na ito. "You can curse me or anything. But this is me, Nathan. Please accept the real me. Hindi ako ang taong sasagip sa kalungkutang nararamdaman mo." Mabilis itong naglakad at naiwang nakatulala si Nathan.

[Exopink Series 3] B i s h o u n e n!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon