26: New

81 6 7
                                    

//26:

Aksidenteng nakita naman ni Treenie si Zico na naglalakad palabas ng highschool building. Hindi siya maiwasang ngumiti nang makita ang binata. "Zicoooo!!!" Tumakbo siya palapit dito.

"Treenie..."

"Why are you still here? Hinihintay mo ko ano!?" Kidding!!

"Just dream what you want. I'm waiting for Nathan. Geez. That slowpoke." Kanina pa siyang naghi-hintay sa classroom pero hindi pa ito dumadating. Sabay kasi sila kakain.

"Nako, baka wala na siya?! Pinuntahan siya ni Raffa eh!"

Nagkatitigan saglit ang dalawa at nang may ma-realized ay ngumiti sila sa isa't isa. "I guess kakain na lang ulit akong mag-isa." Naglakad na palayo si Zico. "I can cook for you!" Nami-miss na din niya kasi ang old times. Gusto din itnaong ni Treenie kung naaalala pa din ni Zico yung dati.

"I can't let you do that."

"Bakit naman!?!" Sumabay siya sa paglalakad sa binata. "Hindi mo ba nami-miss ang luto ko?" May halong pagtatampo nitong sabi.

"I miss it every day." Napatigil sandali si Treenie at pakiramdam niya ang pamumula. "Then why? Ang dali lang namang sabihin kung anong gusto mo diba? I can cook everything you want."

"Because I can't give you what you want yet." Ngumiti si Zico. "Alam kong gagawin mo lahat kung may sabihin man ako. And by doing that, dedepende ka lang sa mga gusto ko. Thinking you will have advantage. Gusto kong makitang mag-work hard ka in your own ways."

Napatulala siya kung gaano siya humanga sa sinabi nito. Ngumisi ang dalaga. "Work hard? Ako yata si Treenie Anueva!"

Tumawa si Zico. "Yeah. You're right. I'm really looking forward sa mga gagawin mo." Hindi niya maiwasang mahiya. He really acknowledged her. Considering her feelings. I so love him. Kahit papaano, importante pa din siya.

Nagsimula na sila ulit maglakad nang mapatigil si Zico. Nakita niya itong gulat na gulat na parang nakakita ng multo. "Zico? May problema ba?"

"You really are a grown-up now, Zico." Napatingin naman si Treenie sa kaharap nila. Isang babaeng may provocative na suot na pinagtitiginan ng ibang estudyante. Zico?! Alam niyang si Zico ang kasama ko?!

"Ju-Juniper?!" Inalis nito ang shades at hindi maiwasang mapanganga ni Treenie sa kagandahan nito. So gorgeous!!!

Napansin naman siya ng babae. "H-hello..." Bati ni Treenie. Natakot siya ng bigyan siya ng tinging mula ulo hanggang paa. "New girlfriend? Pinalit mo kay Harley?"

"Tara na, Treenie!" Hinila na lang siya ni Zico. "Wait! Hinahanap ko si-

"AS IF I KNOW!?" Nakalayo na sila ng konti pero nakuha pa ding lumingon ni Treenie. "Okay lang ba talaga na iwanan natin siya?"

"Kaya na niya ang sarili niya."

"New girlfriend? Pinalit mo kay Harley?"

Gustong tanungin ni Treenie kung sino ang sinasabi ng Juniper. Pero parang alam niya na. Ang ex-girlfriend nito na nanakit kay Zico. Hindi siya makahinga. Wala siyang karapatan na magtanong pero she felt the urge to look for more info.

"Bakit ang tahimik mo diyan?" Kahit hindi lumilingon si Zico, pansin ba niya na hindi siya komportable? "Nothing..."

Lumingon si Zico at ngumiti. "Kain tayo sa malapit na karinderya?"

*bathump*

"Okay!" Si Zico ang dahilan ng pagka-depress niya pero ito din ang reliever niya.

[Exopink Series 3] B i s h o u n e n!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon