Four more chapters!
61: Waiting
XXxxXX
Pumasok ng bahay si Treenie at nakita niya ang ama na naghahain na ng hapunan. "Treenie, dinner is ready." Nakasunod naman ang kanyang kuya na siyang may dala ng pitsel ng tubig.
"I ate already, Kuya." Humalik siya sa ama at kapatid.
"Saan ka kumain?" Napaisip naman si Treenie. Hindi alam kung sasabihin niya ang totoo. "Nahila ako ni Billy dun sa bagong bukas na café. Hindi naman ako makatanggi." Dahilan niya.
"Really? Anong café? Mapuntahan din." She was taken aback. Hindi agad siya makasagot. Ngumisi ang kanyang kapatid at umiling. Alam agad nito na nagsisinungaling siya.
"O siya. Magpahinga ka na, princess."
"Okay po. Goodnight." Umakyat na siya papuntang kwarto.
Ang totoo naman kasi, nasa bahay siya ni Zico. May niluto ito na pagkain at gustong ipatikim sa kanya. Hindi niya alam kung takot ba siya na sabihin sa ama at kapatid ang tungkol sa kanilang dalawa ni Zico. Na hinahayaan niya itong manligaw muli sa kanya. Hindi siya nakakasigurado na papabor ito sa desisyon niya kasi alam nila, mas lalo ang kuya niya kung gaanong sakit ang binigay ni Zico sa kanya.
Kasi alam nito ang totoo. Alam nitong Zico cheated on her. It's Zenna that told him the truth. Natatandaan niya pa na nagbalak itong puntahan si Zico sa bahay para lang awayin but pinigilan niya. At mas lalong natatandaan niya ang sinabi ng kapatid na mas lalong nagpasakit sa kanya though alam niya sa sarili na nagmamalasakit ito at pawang katotohanan lang naman ang sinasabi.
Yan ba ang lalaking ipinagmalaki mo sakin dati? Yan ba talaga ang pagkakakilala mo sa kanya? O naging tanga ka lang at nabulag sa pag-aakalang mahal ka niya talaga?
Though naaalala niya ang painful nitong sinabi, ngayon ay natatawa na lang siya. He really sounded bitter.
Kaya hindi niya talaga alam kung dapat ba talaga niyang sabihin. Hindi naman niya kasi malilihim ito forever. Kapag nasa maayos na ang status nila ni Zico, babalik sila sa kanilang relasyon at bibisita na muli ang binata sa kanila just like the old times.
Gusto niyang ipaliwanag sa dalawang lalaki na pinaka-malapit sa buhay niya na mahal niya si Zico. Mahal na mahal. So much na stupidity mang maituturing na bigyan niya ito ng chance, alam niyang may paroroonan ang ginagawa nila ngayon. Mas naniniwala siya na mas worth it ang paghihintay nila. Ika nga, may tamang panahon.
They are really taking their time na kilalanin ang isa't isa. Through their favourites, personal things na kahit ano lang ang maisip na itanong. She admits that they are enjoying kung anuman ang meron sa kanila ngayon. Friends. And someday, lovers.
Hindi naman siya nagmamadali at ganun din naman ang binata. Bumabalik na din yung pagiging alaskador nito at siya naman tong naiinis na din at panay sapok lang dito. Naaalala niya na parang dati lang. Barkada lang kumbaga. Pero ayaw naman niyang matapos lang dito lahat.
Naghahalungkat siya ng bag ng mapansin niyang wala ang kanyang student booklet. Inalis niya pa lahat ng gamit sa bag pero wala talaga. Napakamot siya ng ulo, forgetting kung saan ba niya nailagay un. Nadun kasi yung schedule niya for tomorrow.
Tatawagan niya sana si Raffa ng mismong tumunog na ang phone niya.
It's Zico.
"Hello?" Agad niyang tinugon ang tawag.