60: Slowly

94 6 3
                                    


It's been so long!!!!


xxxxx



60: Slowly

Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ni Treenie. He misses it. The warmth and fragrance. Kay Treenie lang talaga siya. She makes him feeling crazy but at the same time, he feels sane. Ngumiti din sa kanya ang dalaga.

"Treenie..." Napangiti siya habang pikit pa siya. Lumingon naman ang dalaga at hininto ang pagluluto ng soup. Nananaginip ba siya? Lumapit siya kay Zico na nakahiga sa couch. "Bakit? May masakit ba sayo?"

May masakit ba sayo? Hell, nag-aalala ang Treenie ko sa panaginip ko. Tutal panaginip naman, lulubusin niya na ang pagkakataon. "Kiss me..."

Napasimangot si Treenie sa binatang ngiting-ngiti sa pagtulog. Pero hindi naman niya maitago na namumula din siya. "Zico..."

"My Treenie... Dito naman sa lips ko." Napangangang konti si Treenie kasi ang intense na ng panaginip nito. "GUMISING KA NGA DIYAN!"

Napabangon naman agad si Zico sa pagkakahiga. "What happened?" Napalingon naman siya kay Treenie. "HA?! Nasa panaginip pa ba ko?"

"Panaginip? The hell." Bumalik siya sa may kusina at pinagpatuloy ang pagluluto. Wala siyang maintindihan sa nangyayari. Sana, kung panaginip man to wag na lang siyang magising. Pero kinurot niya ang tagiliran at nasaktan siya, tunay to. Mismong mata niya ang nakakakita kay Treenie. Pinagluluto siya.

May gaan siyang nararamdaman. Tumayo siya agad at lumapit dito Gustong-gusto niya itong yakapin at halikan, kung pwede lang sana. "The soup is almost done. Just wait."

"Anong ginagawa mo dito?" Lumingon ito sa kanya at blangko lang ang expression nito. Kinabahan siya. "Wala kang natatandaan? Baka ako lang ang nananaginip."

Alam niya ang sinabi niya. Na gusto niya ng chance. Pero hindi niya inaasahan na ganito pa din. May parte sa puso niya na masaya kasi nag-aalala ito sa kalagayan niya. Pero normal naman yun diba? Hindi ka ba tutulong sa isang taong nag-collapsed sa harap mo?

Nilapag ni Treenie ang isang plato na may pagkain. "Kain ka na."

Ang daling sabihin na hindi ito pumapayag. Pero para yatang di niya rin yun kaya. Ngayong nandito siya, nangangapa siya na kaht isang porsyento lang ang chance niya, pangha-hawakan niya yun. Basta nasa tabi niya lang si Treenie.

Ano nga ba ang dapat niyang maramdaman ngayon?

Tahimik siyang kumain kahit ang bigat ng atmosphere sa kanilang dalawa. Gusto niyang magtanong kung bakit pero ayaw niyang sirain ang pagkakataon niya ngayon. Na nandito ito ngayon sa harapan niya. Ayaw niyang tumingin, baka umiyak lang siya.

Bente minutos, natapos na siyang kumain. "Ang tagal." Reklamo nito.

"Sorry." Talaga namang binagalan niya kasi gusto niya pa makasama ng matagal si Treenie. Nang pupunasan niya ang bibig, ngayon niya lang namalayan na may tapal na ang mga mukha niya.

"Does it still hurt? Tinapalan ko na yan." Hindi niya maiwasang mapangiti sa inaasal ng dalaga. "Thanks, Treenie. Seryoso naman itong tumingin sa kanya kaya napawi din ang ngiti niya.

"Pwede na kong umalis. Okay ka na e."

"A, oo. Thanks for taking care of me." In the end, hindi sila nagkausap. Pero masaya na din siya kahit papano.

[Exopink Series 3] B i s h o u n e n!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon