PS: I can only open this acct through facebook. I cant verify already my account coz i forgot my password. Even my yahoo, too. Sorry! I cant even comment already and i think, baka mawala na din ang acct na to if hindi ko siya ma-verify! And because of this situation, gumawa ako ng bagong acct: http://www.wattpad.com/user/aeceepanda. As long as mao-open ko pa ito through fb, ito ang gagamitin ko. If hindi na, edi yung isa na :) You can get the link to sa profile ko! Thanks!
~*~
Supermarket
Binabasa ko ang listahan ng binibili ko ng nag-ring ang phone ko. Nagtaka naman ako na si Raffa ang tumatawag. Well, it is a first time. "Yahoo~" Bati ko sa kanya.
"Where am i?" Tumigil ako saglit at kumuha ng basket. Madami-dami din ang pinapabili ng papa ko. "Supermarket. May pinapabili si Papa." Nag-usap pa kami ng ilang saglit. Nabo-bore daw kasi siya sa bahay kaya nag-presenta din siyang tulungan ako.
Sabi ko naman, wag na. Nandito na siya, tapos na ko sa pamimili. Hay nako. Di na naman siya matali sa bahay nila.
Ano ba ang uunahin ko? Ah oo. Gulay muna siguro.
Papunta na ko sa gulayan ng biglang may narinig akong madaming bumagsak. Pagkakita ko naman, may nahulugan pala ng mga delata. Kawawa naman. Pero ang tanga naman niya. Matulungan nga.
"Okay ka lang? You need help?" Tumunghay naman siya sa akin at napanganga ako ng...
"NATHAN!!" Ayan na naman ako sa pagsigaw ko. "Hey, ikaw pala Treenie." Oh my gosh. Sorry for calling you an idiot. Kahit tunay naman talaga.
Tumayo siya at tumatawa pa. "I'm such a klutz." Okay lang kahit ganon ka. Sobrang cute mo naman. Hay. Sabagay. Kahit mej naiinis ako na ako ang inutusang mag-grocery ngayon. Maganda pa rin ang araw ko kasi heto siya, nasa harapan ko. Sa sobrang pag-aasam na makita siya, aba eh natupad nga naman.
Oh my gosh. May dala siyang basket. Ibig bang sabihin nitey.... "Nathan, maggo-grocery ka ba??" Pacute ang peg kahit oblivious siya. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Natatanga na nga ako kapag nagpapakita ako ng affection sa kanya, hindi pa rin siya maaware-aware.
Hindi ba ko ganon ka-attractive?
Bigla namang sumagi si Zico sa isip ko. Urgh. Nakakainis na kahit lalaki siya, mas maganda pa din siya sakin. >__< Hindi kayang matanggap ng puso ko.
Teka. Sabi nga pala ni Zico alam ni Nathan ang sikreto niya. Alam niya kayang alam ko na din? Bat kaya hindi ko siya tanungin?
"Treenie." Tinawag naman niya ang maganda kong name. "Yes, Nathan?"
"Gusto mo, sabay na tayong mag-grocery?" Pinigilan ko ang bibig ko na bumuka kasi baka sabihin exaggerated na naman ako. Pero sa loob loob ko, tumatalon... gumulong-gulong at nagbending ako...