63:
XXxxXX
Treenie!
Treenie!
Nakatulala lamang si Alexa habang pinapanood ang mga tao na ilagay si Treenie sa ambulansiya. Sumakay din si Raffa at Zico doon at mabilis na humarurot ang sasakyan palayo. Umalis na ang mga tao pero siya, nakatindig pa rin sa mismong pwesto niya.
Harley!
Harley!
Ganito din ang nangyari dati, almost two years ago na ang nakakaraan. Wala din siyang nagawa nung na-aksidente si Harley. Siya, na naturingang bestfriend ng dalaga, tumakas sa problemang siya din naman ang naging dahilan.
Tinakluban niya ang magkabilang tenga at pinilit na kalimutan ang nangyari. Ang tunog ng ambulansya, ang hiyawan at bulungan ng mga tao. Ayaw niyang bumalik sa dati. Tinakasan niya na ang past niya pero natakasan nga ba niya talaga?
Tumulo ang luha niya.
"Alexa." Tumunghay siya at nakita niya si Caleb. He seemed worried about her at dahil sa katangahan niya, may napahamak na namang tao. Ang ginawa niya kay Harley dati, ginawa niya din ky Treenie. Sa isang inosenteng babae na hindi naman niya kilala. Nanaig lang ang galit niya kay Zico pero kahit kelan, wala naman siyang naramdaman na galit dito. Minsan, nakikita pa nga niya ang kaibigan kay Treenie.
Then why did this happen?
Napansin ni Caleb ang panginginig ng kamay ng dalaga. Sa panahon ngayon, she needed a confidante. What she had done is unforgivable pero ayaw niyang iwanan si Alexa. Dahil wala kahit isa ang tutulong sa kanya. Lahat ng tao iniwan sya. Even Harley.
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Come with me at the hospital." Tumango na lamang ang dalaga.
Hospital
Nilagay nila ang walang-malay na dalaga sa wheeled stretcher. Sumunod naman si Zico, hindi umaalis sa tabi ni Treenie. Hawak-hawak niya pa din ng sobrang higpit ang kamay nito. "Treenie... Treenie, you will be fine..." Namumula na ang mata niya sa kakaiyak. Kanina, ang saya-saya lang nila tapos hindi niya na alam kung bakit humantong sa ganito.
Inalis ng nurse ang kamay niyang nakakapit dito at dinala na si Treenie sa emergency room. Kasabay ng pagsarado ng pinto ay ang pagluhod ni Zico, nakatulala sa kawalan at parang nababaliw na. "No... Not my Treenie... Please... Not her..." Sinapo niya ang sariling mukha. Wala na siyang pakielam kung hindi na siya mukhang lalaki sa ginagawa niya ngayo. He just need a release.
Hindi niya kayang mawala si Treenie.
"RAFFA!" Sigaw ni Nathan at agad na niyakap ang kasintahan. "Nate..." Ramdam na ni Nathan na may masamang nangyari nang tumawag si Raffa sa kanya at binalitang nasa ospital sila. "Nate... si Treenie..." Iyak na sabi nito.
Ngayon lang niya nakita na ganito si Raffa. Tired, afraid and sad... lahat nakikita niya sa mukha nito. At wala siyang magawa to ease the pain. It's Treenie after all.
"Hayop ka! Nasa tabi ka niya pero anong ginawa mo!" Singhal ni Billy, akmang susugudin si Zico pero mabilis na umawat si Raffa at Nathan. "Please, Billy. Wag naman dito!" Naiiyak na din si Billy. "Fuck this! I will never forgive you, take note of that!" Nasuntok ni Billy ang pader at padabog na umalis.
Tumingin sina Raffa kay Zico na nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader. Nakatulala lang ito. My Treenie will be fine... She will..." Pumikit itong mariin at humingang malalim.