19: I knew

108 6 1
                                    

Chapter Nineteen

~*~

RAFFA's POV

"I see. Yun pala ang nangyari." Tumingin ako sa asul na ulap at humingang malalim. Akala ko kung ano na namang mabigat na pinagdadaanan ni Treenie.


Ngayon, alam na alam ko na talaga.


"Maybe nahihiya si Treenie na sabihin sayo. After all, hindi mo hilig ang ganong topic." Napangisi naman ako sa kaharap ko. Si Nathan. Nasa isang café kami. Hindi kami nagkita. Nagkataong bibili ako ng cake at nandon siya. "Not at all. When she was inlove with you, ako palagi ang kausap niya."


"Ah. Ganon ba?" Bigla siyang tumungo na parang nahihiya. I just shrugged. "Kinikilig siya habang kine-kwento kung pano kayo mag-usap and such things.... Ano pa nga-


"Tama na. Please." Oh. Kita ang pagkapula ng mukha niya. Feeling embarrassed huh? I grinned. Ang sarap siguro asarin ni Nathan. "Sabi niya, you're a God." Tumawa akong malakas. I heard him sighing and tumingin siya sa akin. "Do I really look like that?" Napaisip naman ako. Siyempre, kapag mahal mo ang isang tao... Iba ang pag-tingin mo sa kanya. Maybe a hero... a protector... An angel...


Sobrang bait niya kasi. And to even think na lahat mahal siya ng mga tao dito. Kahit mga guro, male or female. Para siyang may pheromone powers. It's like siya ang nagpapakalma sa klase o kahit sa buong school. Isang ngiti pa lang niya, lalambot na agad ang puso mo. Makagawa man siya ng kasalanan, isang sorry lang niya, wala ka ng magagawa kundi patawarin siya. Hindi man katulad ng iba ang nararamdaman ko, ganon ang tingin ko kay Nathan.


"You're peaceful to be with. Yun din ang sabi ng iba." Napakamot naman siya ng ulo. Hindi ko din na-gets ang sinabi ko. Ngayon lang naman kasi ako nakipag-usap sa isang guy, maliban siyempre kay Billy. Alam naman nilang kilala akong maangas tingnan at mas malakas pa sa lalaki. I bet, mas kaya ko pang bumuhat ng mabigat kesa kay Nathan. Madaming lalaking natatakot sakin pero iba siya. Hindi naman ako sanay makipag-convo sa lalaki pero iba siya talaga.


Lumapit pa mismo ang mukha niya at mas ngumiti. "Eh ikaw, Raffa? Anong tingin mo sakin? Do you agree with them?" Hindi agad ako nakaimik. Hinigop ko ang kapeng hawak ko at tumingin sa ibang direksyon. Pero ano nga ba? Ano nga ba si Nathan?


"You're reliable. Tutulungan mo ng walang kapalit ang mga kaibigan mo. Everyone is lucky to be friends with you." Kibit-balikat kong sabi. Nagpapasalamat ako na hindi naging rough kung ano mang merong relationship niya with Treenie. Mabuti at friends pa din sila.


"You really made my day." Narinig ko siyang tumawa. Napangiti na lang din ako. Hindi ko alam ganon pa ang magiging reaksyon niya. Well, sino nga ba naman ako para magsabi ng ganon diba?


Narinig ko na lang na tumunog ang phone ko at may text message. Mas lalong lumawak ang pag-ngiti ko na napansin naman ni Nathan. "May nangyari ba?"


Umiling ako. Actually, mangyayari pa lang.


[Exopink Series 3] B i s h o u n e n!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon