Ilang chapsters na lang po! Salamat ng marami <3
TREENIE'S POV
"You two.... need to talk." Huminga akong malalim. Pang-ilang beses ko na ba yung ginawa? Para yata kasing buong maghapon na yata akong nag-ipon ng hangin sa tiyan ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. Simula ng makita ko ang Alexa na yun, doon na nagsimula. Mali... kasi parang bumalik kami sa dati. Yung akala kong tapos na, naniwalang happy na kami... hindi pa pala. Matagal-tagal pa.
Mangyayari pa ba kaya ang inaasam-asam mo? Sabi naman ng makulit kong utak. Isa ka pa e. Kung sana puso na lang ang pinairal ko at pinatawad siya. Nandon na e. Nasa harapan na ko ng bahay niya, at hinihintay na lamang siyang magsalita. Na-miss ko din ang boses niya... ang pag-iyak niya. Tama, walang duda na mahal ako ni Zico.
Pero at the back of my mind, may humihila saking pababa. Na hindi pwede. Na dapat matakot ako. Kaya heto ngayon, we're still in a fight. Nagsusumamo na siya for me to forgive him pero dahil sa katangahan ko, his Treenie Anueva meter is full.
Ako ba talaga ang may kasalanan?
"Hayaan mo siya, Treenie. Siya ang lalaki at especially, siya ang may kasalanan... Siya ang lumapit!" Hindi ko alam kung bakit maluwag akong nakahinga sa pagdating ni Billy at sa mga sinabi niya. Masyadong evil kung sasang-ayunan ko pero kasi naman, wala si Raffa sa tabi ko nung time na un. Si Billy lang.
Nakita naming dalawa na masaya silang nagke-kwentuhan. At ano pa? Magtikiman sa iisang kutsara? Indirect kiss? Tang ina lang. Ako yung girlfriend na nasa likuran niya lang. Ang sarap ipalunok sa kanya nung kutsara. Kaya masisisi niyo ba ko?
Napatingin ako sa dalawang magkapatid.
"Huwag mo ng gatungan, B. Mas mabuti kung maaayos agad to. It's just a total misunderstanding."
"Talaga lang ha? Nakipag-commit pa siya kung di lang pala niya sasabihin kung anong gagawin niya. At tsaka, kung wala siyang nililihim... sasasabihin niya diba?"
Pakiramdam ko, may nagdiklapang kuryente sa pagitan nila. Naiintindihan ko ang hinaing ni Raffa kasi ayaw niyang nade-depress ako. Pero paano pag nalaman niya ang tungkol kay Alexa?
Natatakot akong sabihin kasi alam kong papalya na naman si Billy at pipilitin akong makipag-break kay Zico. Halatang-halata na ayaw niya sa boyfriend ko. Tsk. Sino ba naman sa dami ng katarantaduhang ginawa niya? Pero ako pa din tong si tanga na tinanggap siya, kasi mas importante ang goodness. Mas matibay ang love.
Nararamdaman ko naman e. Pero bakit kailangang i-entertain pa si Alexa? Na kapatid ng ex na minahal niya ng sobra. Na misunderstanding lang kaya sila nag-break. Na mahal pa din siya ni Harley. Na paano kung... oh my god. Heto na naman ako. Dapat ba talaga akong kabahan?
Napapagod na ko.
"Tama na yan! Karaoke na lang tayo, please." Suggest ko naman. Malungkot na napatitig sakin si Raffa pero pilit na lang akong ngumiti. Ayoko munang isipin ang lahat.
"Karaoke!"
"Guys! Total, magka-karaoke lang din naman kayo, sama niyo na si Caleb." Sabi ng isa naming kaklase. Tumingin ako kay Caleb na nakatingin lang sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip.
"Bakit naman?" Hindi ko alam kung mataray ang pagkakatanong ni Raffa. Awkward pa rin. Ano ba naman yan. Napapaliguran na ko ng mga taong connected kay Harley.