*No talk...*
Chelsie's POV
Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Isang linggo na akong walang natatanggap na text o tawag sakanya. Kahit ang mag message sa facebook hindi niya magawa.
Nananadya ba siya?
Nagpapa-miss ba siya? Kasi kung oo pwes oo na! nami-miss ko na siya! >_<
Bakit ba niya ginagawa sakin 'to? hindi ba niya naiisip na baka nag-aalala na ako? Hindi ba manlang niya ako naiisip? Wala na ba siyang paki sa nararamdaman ko?
Sigh.
Hindi na nga siya dumating sa birthday celebration ni Kayla, tapos ito ngayon, hindi pa siya nagpaparamdam sakin. Nakakainis siya!
Speaking of birthday celebration ni Kayla, may tumawag sakin nung gabing yung. Nung sinagot ko naman ang tawag walang sumagot sa kabilang linya. May narinig lang akong babaeng nagsalita...
"Hello?" sagot ko
Maingay sa kabilang linya, para bang nasa party sila kasi may naririnig akong tugtugan.
"Hey! mamaya na yan! halika na doon dali!" sabi nang isang babae.
At doon naputol ang tawag. Hindi ko alam kung sino ang tumawag. Unknown number eh. Binalewala ko na lang dahil baka nanloloko lang yun o kaya naman eh na-wrong call.
Sigh. Balik school na ulit sa monday. Siguro naman makikita ko na siya. Gusto kong malaman kung bakit hindi siya nakapunta kila Kayla, at kung bakit hindi manlang siya nagparamdam sakin.
***
(Monday morning...)
Nandito na ako sa tapat ng school. Kakababa ko lang din ng tricycle. Hindi ko kasabay si Gelo, wala siya, nasa Baguio pa rin hanggang ngayon. Mukhang napasarap ang bakasyon niya.
Ito na, papasok na ako. Kung tama man ang naiisip ko, siguro nandun na siya sa taas at hinihintay ako para ipaliwanag sakin ang mga nangyari.
Nang makarating ako sa floor namin, hindi ko siya nakita sa corridor o sa tapat ng room namin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sumilip ako sa room nila, pero wala pa siya. Dumeretso na lang ako sa room namin.
Ang sakit pala talagang mag assume.
Tama na Chelsie. Isang linggo ka nang umasa na mamimiss ka rin niya. Tapos ngayon aasahan mo pa siyang magpaliwanag? hindi na yata mangyayari yun.
Maya maya ay dumating na ang mga kaibigan ko. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nakalipas na maikling bakasyon namin. Mabuti pa sila naging masaya sa bakasyon nila. Samantalang ako, wala nang ibang ginawa kundi ang alalahanin siya.
"Oh, ayan na si boyfie mo. Parating na" sabi ni Mae na nakatingin sa may bintana.
Sumulyap ako, nandyan na nga siya. Mukha siyang masaya. Dapat ba akong matuwa na makikita ko na siya? Oo, dapat lang.
Pero bakit pakiramdam ko hindi? bakit parang gusto kong magtampo sakanya?
Pumasok siya sa room namin, at papunta dito sa kinauupuan namin.
"O siya, maiwan na muna namin kayo ha. Alam ko namang miss niyo na ang isa't isa" nakangiting sinabi ni Kayla pagkatapos ay lumabas silang tatlo.
Diretso namang umupo sa tabi ko si GJ at hinawakan ang kamay ko, "By..." he said and smiled at me.
I gave him a weak smile as a response.
"Kamusta?" he asked.
"Okay lang" maikli kong sagot.
Gusto ko na sana siyang tanungin, pero mas gusto kong siya ang magkwento sakin. Gusto ko sakanya mismo manggaling at sakanya magsimula.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...