*Moving On...*
Chelsie's POV
Sa buhay natin, marami talaga tayong makikilalang mga tao. Mula pagkabata hanggang sa lumaki at tumanda na tayo. May makikilala tayong bagong kaibigan, kalaro, kakilala at minsan yung mga taong mapapamahal pa sa atin, yung taong mamahalin natin ng higit pa sa isang kaibigan.
May mga taong dadating sa buhay natin dahil nakatakda na silang maging parte ng buhay natin. Yun nga lang kung minsan unfair ang life. Kadalasan, dadating sila sa buhay natin pero panandalian lang.
Minsan sa buhay ko nakakilala ako ng mga taong akala ko makakasama ko na hanggang dulo. Pero in the end, hanggang pagkakaibigan lang pala ang kahahantungan namin.
Sina Michael, Cliff at Gelo. Minsan na silang nagtapat ng nararamdaman nila para sakin. But in the end, sa friendship pa rin natuloy ang lahat. Masaya ako dahil naging parte sila ng buhay ko bilang kaibigan. Mas mabuting maging magkaibigan na lang kami kaysa makasakit pa ako ng damdamin nila. And I am so thankful dahil sa pagdating nila, marami akong natutunan.
Si Michael, hindi naging timing ang lahat sa amin. Gusto niya ako, gusto ko siya pero may mahal siyang iba. Ang labo diba? Ngayon ko lang naisip na baka nangyari ang lahat ng yun ay dahil sinusubukan lang si Michael kung hanggang saan at kung gaano niya kamahal si Jana. Ako naman ganun din. Sinubukan lang din siguro ako ni God kung mas pipiliin ko ba ang sundin ang puso ko pero makakasakit ako ng ibang tao, o mas pipiliin kong ako na lang ang masaktan kaysa makasira ng relasyon ng ibang tao. I chose the right one, because that's the right thing to do in the first place. Ngayon, hindi man naging kami ni Michael, masaya naman kami sa pagiging magkaibigan ngayon.
Si Cliff, ikinagulat ko ang pag amin niya ng nararamdaman niya para sakin. Halos hindi ako makapagsalita nung araw na yun. Ewan ko ba, mabait naman si Cliff eh. Pero hindi ko kayang suklian kung ano ang nararamdaman niya para sakin. Ayoko siyang saktan dahil maganda lahat ng pinakita niya sakin. Ayokong maging selfish sakanya. I chose to tell him that friendship is the only thing I can give. I don't deserve his love. Maybe hindi talaga ako ang para sakanya. May tamang taong dadating para sakanya at yun siguradong mamahalin siya ng totoo higit pa sa binibigay niya.
Si Gelo, huli ko na nalaman yung pagtingin niya para sakin. Dito ako mas lalong nagulat. He's my boy best friend simula pagkabata. Ni minsan hindi ko inisip na may gusto siya sakin. Maayos ang relasyon namin bilang matalik na magkaibigan. Ayokong sirain kung ano mang magandang pagkakaibigan ang meron kami ngayon. He never asked me to love him back. At sobra sobra ang pasasalamat ko sakanya dahil naiintindihan niya ako. Ang gusto niya lang ay makita akong masaya. Sa totoo lang sobrang proud din ako sakanya. Proud ako kasi inamin niya sakin yung nararamdaman niya ng hindi natatakot kung masisira ba ang pagkakaibigan namin. Proud ako dahil isa siyang matapang na lalaki. At proud ako dahil siya lang yung lalaking kilala ko na mas pipiliing maging isang dakilang kaibigan sa taong mahal niya kaysa mawala yung friendship na meron sila. He's a good man. A great man with a big heart. But again, I don't deserve it. I know there's someone who is better than me. A girl with a big heart like him. And I know who she is.
Sila yung mga taong dumating sa buhay ko para bigyan ako ng leksyon at inspirasyon. Marami akong natutunan sakanila. At lahat ng iyon, pahahalagahan ko. Sabi nga nila, friendship lasts forever. Mawalan ka man ng love life ang kaibigan mo palaging nandyan para sayo.
Pero sabi ko nga kanina, sometimes life is so unfair. May mga tao ring dadaan sa buhay mo na yung tipong dadaan sila para pasayahin ka, pakiligin ka, tapos kapag minahal mo na, iiwan ka na lang bigla. Bwiset yun diba?
Bakit ganun ang love 'no? Hindi rin ba kayo napapaisip kung bakit dumadaan sa buhay natin ang mga ganung tao? Hindi ba pwedeng may dumating na lang sa buhay mo na for once eh hindi ka sasaktan at iiwan?
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...