*A busy schedule...*
Chelsie's POV
"Okay class! please copy this. Ito ang magiging schedule niyo for the entire month. Pagkatapos niyong kopyahin, saka ko ipapaliwanag ang tungkol dito. Reminder, ayoko ng maingay at ayoko rin na sumasabat kayo habang nagpapaliwanag ako. Naintindihan niyo ba?" sabi ni ma'am Cristobal.
"Yes maaaa'aaaam" sagot namin.
Nagsimula ng magsulat si ma'am sa board habang kumokopya naman sila. Hindi ako nagsusulat, kokopyahin ko na lang kay Kayla yan mamaya. Tinatamad kasi ako eh.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas, ngayon pa ako tinamaan ng katamaran. Inaantok pa nga ako eh, napuyat kasi ako sa panonood ng movies.
Habang nakatunganga lang ako, binabasa ko yung mga sinusulat ni ma'am,
Jan. 25-26 (Thu. & Fri.)- Examination Day
Feb. 02 (Fri)- Releasing of grades
Feb. 05-09 (Mon.-Fri.) & 12-15 (Mon.-Thu.)- Practice for JS Prom
Feb. 09 (Fri.)- Payment for JS Prom
Feb. 16 (Fri.)- JS Prom Night
Nag ningning ang mga mata ko nang makita ko sa board kung kelan ang schedule ng JS Prom, excited na ako!
"Okay listen, next week na ang examination niyo for third grading period and that will be on Thursday and Friday. February 02 friday at 2:00 in the afternoon, releasing of your grades for this period. Papuntahin niyo ang parents niyo para makuha ang report cards niyo. And as you can see," itinuro ni ma'am yung board, "mayroong JS prom. Aware naman kayo na dati walang prom diba? So you're lucky because this year ay may prom tayo. Two weeks ang preparation and practice natin. And on February 09 friday, I hope makakapagbayad na kayo ng fee for the prom. You still have time para makapag-ipon o makahingi sa parents niyo ng pambayad. And last but not the least, alam kong ito ang gustong gusto niyong marinig sakin, February 16 ang date ng JS prom ninyo. Hindi ko pa alam kung anong time and place, magmi-meeting pa kami tungkol dyan. So, save the dates! May mga tanong kayo?
Sa dinamidami ng sinabi ni ma'am parang wala akong naintindihan. Basta ang alam ko lang may JS prom *___* Last year kasi hindi nagkaroon ng prom, and I don't even know why. Ang mahalaga may JS ngayon yeeeey!
"Ako ma'am" nagtaas ng kamay ang magaling naming presidente.
"Yes Emerson?"
"How much po ang fee para sa JS prom?" tanong niya.
"Good question. Class, sa ngayon hindi pa napag-uusapan kung magkano ang fee but we'll make sure na sasabihin namin sa inyo bago mag February 9" sagot ni ma'am.
"Eh ma'am, sa two weeks po ba na practice ng prom, wala po bang klase?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.
"Meron. May klase pa rin kahit na may practice kayo. By the way, hindi ko pa kasi alam kung anong oras at ilang oras ang itatagal ng practice. Ang P.E teachers ang bahala kasi dun, so kung may mga tanong kayo about prom you can ask your P.E teachers"
Ayy, akala ko naman wala ng klase. Sayang naman -__-
"Kung wala na kayong tanong, magkaklase na tayo. Since malapit na ang examination, recitation tayo ngayon"
Whaaaat?!
"Hala maaaa'aaaam!!" sigaw nung iba.
"Wag ng magreklamo! open notes naman eh" sabi ni ma'am
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...