Chapter 51

58 2 1
                                    

*The Decision...*

Chelsie's POV

"Uy Chels! hindi mo ba panonoorin yung play ni GJ? kanina pa nagsimula yung play" Kayla said.

"Hindi" maikli kong sagot.

"Bakit?"

"Wala lang, basta"

"Wala? impusibleng wala! ano ka ba! dapat nandoon ka at sinusuportahan si by!"

Napakunot naman ang noo ko nang marinig yan.

"Ahh hehe, narinig ko lang na tinawag niya sayo" naka ngisi niyang sinabi, " Oh ano? sasamahan kita. Tara manood tayo" hinila niya yung kamay ko pero nagpapigil ako.

"Hindi na. Ayokong manood"

"Hmm, I smell something fishy. Nag away na naman ba kayo?"

Nag away? *sigh* Hindi ko alam kung pag-aaway na ba ang tawag dun.

I remember that night, nung gabing yun, I gave up...

*Flashback*

Nang mapatungo siya, agad kong iniangat ang mukha niya. Yung mga mata niya, makikita mong sobrang nag-alala siya sakin. Makikita mo rin sa mga mata niya na sincere siya sa paghingi ng tawad sakin.

Para akong nanghihina. I hate this kind of feeling. Parang hindi ko na yata kaya pa.

Ito ang unang beses na maramdaman kong nagmamahal ako. Unang beses na naging seryoso ako. At unang beses na maramdaman kong may nagmamahal sakin. Pero parang hindi meant sakin eh.

Mas madalas yung mga pagkakataon na hindi kami nagkakasundo kaysa sa mga masasayang araw namin. Ganito ba talaga ang love?

I'm weak, I am so weak.

Dapat na bang ihinto ko na? Ewan ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko. I'm hurt. Nasasaktan ako.

"Ayoko na..." I said without looking at him.

Biglang nag iba ang expression niya nang mapatingin ako sakanya.

"Chelsie..." he said.

"Sorry ah, hindi kasi ako sanay sa mga ganitong bagay. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kasi ngayon lang naman nangyari sakin 'to eh" I said while I'm faking a smile. "Ayoko na GJ, hindi ko na yata kaya"

Bigla siyang napahawak sa mga braso ko, at saka ako niyakap.

"Hindi. Wag, please. Wag mong sabihin yan"

"Alam kong nahihirapan ka na sakin. Sa pagiging sobrang nega ko, sa pang-iinis ko sayo, at sa palagi nating pag aaway. Diba nakakasawa na yun?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tumambad sakin ang galit niyang mukha, "Bakit mo ba sinasabi yan? Alam mo ba kung anong naiisip ko?! alam mo ba kung anong nararamdaman ko?! hindi diba?"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.

"Kung lahat ng 'yun alam mo, sabihin mo sakin. Dahil sasabihin ko sayo, hindi ako nahihirapan, at mas lalong hindi ako nagsasawa" he paused, "Kaya please, tigilan mo na ang kakaisip niyan" bumaba naman ang tono ng boses niya. And he sounds really cared.

"Pero ramdam ko..." I said.

Nagkatitigan kami, at tumagal yun ng ilang segundo.

"Gusto mo na ba talagang itigil 'to?" cold niyang sinabi.

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon