"Fourth day in a relationship...*
Chelsie's POV
"Tara na Chels! magbihis na tayo dali! baka ma-late tayo sa P.E class natin" sigaw ni Kayla.
"Wait wait! ito na sandali" I answered.
Yung mga gamit ko kasi naka kalat sa upuan ko, inayos ko lang sa bag ko. OA naman 'tong si Kayla sa pagmamadali sakin.
Nang matapos ko ng ayusin lahat ng gamit ko, sabay kaming bumaba ni Kayla. Yung dalawa naman, sina Jo at Mae kanina pang nauna ayaw daw nila kasing makipagsiksikan samin sa CR.
Pagbaba namin, agad kaming pumasok sa CR.
"Kayl, madami pang nagbibihis sa loob eh" sabi ko sakanya.
"O sige, maghintay na lang muna tayo dito" she said.
"Okay"
Naupo muna kami sa isang bench sa labas ng CR, dito muna kami maghihintay habang puno pa sa loob.
Sandali, si GJ ba yun? anong ginagawa niya dun sa sulok? May kasama siya? Sino naman?
"Ah Kayl, sandali lang ah"
"Oh teka, saan ka pupunta?" she asked.
"Sandali lang ako, dyan ka lang ah"
Dahan dahan akong lumapit, bakit sa may hagdan na medyo tago nagpupunta ang lalaking 'to? Mamaya lang P.E na tapos nandito pa siya.
"Huy--"
"Oh hi Gian" boses ng isang babae,
Natigilan ako ng bigla may nagsalita, sino yun? Nagtago ako para hindi nila ako makita.
"Dianne..."
Si Dianne? yung ex niya?
"Bakit nandito ka?" mukhang nagtataka din si Dianne kung bakit siya nandun.
"Ah, kasi, hinihintay talaga kitang dumaan dito. May gusto din sana akong sabihin sayo. Gusto ko sanang--"
"Na-miss kita. Ilang araw pa lang yung nakakalipas, pero nami-miss na kita"
Di yata dapat ako nandito, di ko sila dapat pinakikinggan, usapang mag ex yan.
"Balita ko may girlfriend ka na?" she said.
Wait, paano niya nalaman yun? Akala ko ba wala pa siyang pinagsasabihang ibang tao?
"Joke lang! masyado kang seryoso dyan eh. Ano nga palang sasabihin mo?"
Susmiyo! akala ko alam niya talaga, buti na lang. Makaalis na nga, napapatagal na yata ako dito.
"I'm sorry..."
Nagulat ako nang bigla na lang niyakap ni GJ si Dianne.
Okay, I need to go. Dapat talaga hindi ako nakikinig at di ko dapat sila pinagmamasdan dito.
Bumalik na ako sa may CR, naupo muna ako sa bench. Humihingi siya ng sorry? for what? para sa panlolokong ginawa niya kay Dianne? huh, dapat lang yun! Pero bakit may yakap effect pa? I saw his reactions, parang any minute iiyak na siya nun.
"Chels andyan ka na pala, nakabihis na ako ang tagal mo eh, kanina pa kita hinihintay dito. Magbihis ka na, magta-time na oh"
"Sige" sagot ko kay Kayla,
Nang makapagbihis na ako, sabay kaming pumunta ni Kayla sa lobby nandun na rin lahat ng mga kaklase namin pati yung teacher namin. Mabuti na lang at nag aattendance pa lang siya.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...