*Start of love game...*
Chelsie's POV
Saturday, rest day. Ito ang araw na lagi kong hinihintay. Mabuti na lang at walang mga assignments na binigay sa amin. Nako, konting kembot na lang talaga! naaamoy ko na ang simoy ng bakasyon! ^___^
At dahil wala naman akong ginagawa ngayon, I turned on my laptop at nagbukas ng facebook account ko. Titignan ko lang yung mga kadramahan ng mga friends ko sa news feed.
As I was scrolling, nakita ko sa news feed ko yung change status ni GJ, from in a relationship to single. Oo friends kami sa facebook, sa facebook lang.
Naalala ko, simula nung huling pag uusap namin, hindi ko na siya nakitang pumasok. Halos tatlong araw na din siyang absent. Hindi kaya dahil sa break up nila?
Ang drama naman niya! talagang dinibdib niya yun!?
O baka naman talagang ganun siya kaseryoso sa ex niya?
Hindi pa ako nakakapag sorry sakanya, tsk, binabagabag tuloy ako ng konsensya ko -__-
Wait, online siya! ito na yung chance kong makapag sorry sakanya. Am I going to chat him? teka sandali, hihingi muna ako ng advice.
Tumingin ako sa chat list ko kung online din si Kayla, pero hindi, si Jo lang ang available at online kaya siya na lang ang chinat ko.
"Jo, pahingi ngang advice please!" I typed.
"Chels! si GJ nag chat sakin!" she replied with matching smiling face pa.
Ka-chat niya si GJ?
"Anong sinabi sayo?" I replied.
"Sabi niya ILY"
"Anong ILY?!" tanong ko.
"I like you daw..." she replied.
Naknang! anong kalokohan yan?!
"Teka teka, wag mong sabihin saking kinikilig ka dyan!" I replied, nako jusmiyo kung kausap ko 'to ng harapan baka nasigawan ko na siya.
"Ano ka ba! syempre hindi 'no, nakikipag biruan lang siya sakin. Don't worry, kilala ko lahi ng mga ganyang lalaki" she replied.
Woooh, mabuti naman!
Ilang saglit lang, biglang may nag message sakin,
"Hi ☺" -Gian James Hernandez
Oh? ba't nag chat sakin 'to? at naka smile pa? anong nakain niya? eh nung huling usapan lang namin, parang siya pa yung galit.
Pero eto na yung chance ko para makapag sorry, wait ano ba sasabihin ko?
Habang nag iisip ako ng sasabihin ko, nag message na naman siya sakin.
"I like you..."
Napalunok ako, nanlaki rin ang mga mata ko sa nabasa ko. Anak ng tokwa, ano bang sinasabi niya?!
"Ano?" I replied, wala na akong ibang maisip.
"Sabi ko, ilikeyou, gusto kita" he replied, no space talaga.
May sira na ba talaga ulo niya? baka naman nabagok ulo niya kaya ganyan nasasabi niya?
Sandali, ganyan din sinabi niya kay Jo ah! pinagloloko ba niya kami?! Nag iinit ulo ko, ano bang gusto niyang palabasin? gusto ba niya ng laro? hmm, sige, pagbibigyan kita! -___-
"I like you too" I replied.
Gusto mo ng laro ah, pwes humanda ka. Mag so-sorry pa naman sana ako sayo dahil sa nagawa ko. Pero parang pinaglalaruan at gusto mo lang din akong lokohin tulad ng ginawa sayo ng ex mo, dinamay mo pa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...