Chapter 62

71 5 0
                                    

*The Promise...*

Gelo's POV

Sana nag enjoy siya kahapon kasama siya. Sana rin tuparin niya kung anong napag-usapan naming dalawa. I gave him time, dapat lang na tuparin niya yun.

Nangako siyang pasasayahin niya si Chelsie sa huling pagkakataon. At ipinangako ko naman sa sarili ko na aalagaan at pasasayahin ko siya ano man ang mangyari.

*Flashback*

Mag uuwian na lahat lahat, nagpabili pa rin ng pagkain yung apat. At take note, libre ko daw sakanila yun.

Pababa na ako ng hagdan papuntang canteen nang makasalubong ko sa hagdan si GJ. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalagpas ako sakanya.

"Gelo"

Natigilan ako nang marinig yun. Alam kong siya ang tumawag sakin kaya humarap ako sakanya.

"Pwede ba tayong mag usap?" sabi niya.

Wala akong sinabi, tumango lang ako sakanya at sinundan siya sa paglalakad.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya kay Chelsie.

Yung hindi niya pagtanggol kay Chelsie sa mga pinsan niya, pati na rin ang pagmukhaing tanga si Chelsie nung mga oras na nag uusap sila.

Nandun ako nung mga sandaling nakipagbreak si Chelsie sakanya. Nakita at narinig ko lahat ng mga nangyari. Gusto kong lapitan si Chelsie nang mga oras na yun pero di ko ginawa. Inisip ko na lang na baka lumala pa ang sitwasyon kung lalapit pa ako.

Masakit sakin na makitang sinasaktan siya ng lalaking 'to. Naiinis ako kasi wala akong magawa lalo na, wala akong karapatan.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya nagawa kay Chelsie yun. Alam ko mahal niya talaga si Chelsie, pero bakit ganyan ang mga kinikilos niya?

Sa mga kaibigan ni Chelsie, alam kong ako lang ang nakakaalam ng mga nangyari. Ayoko ring ipaalam kina Kayla, Jo, at Mae dahil gusto ko si Chelsie ang magkwento sakanila.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Gusto ko lang humingi ng pasensya dun sa mga nangyari sa mall" sabi niya.

"Hindi ba dapat kay Chelsie mo sinasabi yan?" medyo cold kong sinabi.

Bakit sakin niya sinasabi yan? Kay Chelsie niya dapat sabihin yan dahil si Chelsie ang pinagmukha niyang tanga nun sa harap ng mga pinsan niya.

Wala manlang siyang ginawa. Napakawalang kwenta niyang tao.

"Alam ko" he paused, "Pero hindi ko kaya eh"

"Duwag ka GJ! ni hindi mo manlang siya naipagtanggol. Wala kang kwenta!" hind ko na napigilan sarili ko, gusto ko siyang sapakin sa mukha dahil sa mga ginawa niya.

Ngumisi siya, "Okay lang sige, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Tatanggapin ko"

Aba't-- siraulo ba 'tong kausap ko? nakukuha niya pang tumawa.

"Pero, may gusto akong hingiing pabor sayo" pagpapatuloy niya. "Gusto ko siyang makasama sa araw ng birthday niya. Yun lang."

"Bakit sakin mo sinasabi yan?" I asked.

Pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya, pero bakit kailangan pa niyang ipaalam sakin?

Hindi siya sumagot, sa halip nginisian na naman niya ako.

Tinitigan ko siya ng masama, "Sa tingin mo ba papayag ako? pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakanya, I won't let that happen again"

"Alam kong hindi ganun kadaling mapapayag ka. Isang araw lang hinihingi ko. Pagkatapos nun," naging seryoso yung reaksyon niya, "ako na mismo ang iiwas sakanya"

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon