*Sweet dreams or...*
Chelsie's POV
Nakakainis ang pugo na yun!!!! Nakakainis talaga!!! >_< lumalabas na talaga ang tunay na kulay ng lalaking yun! talagang ipinamumukha niya sakin na nakikipaglokohan lang siya! Hindi ako papayag!
Sabi ko nga, I will rule this game, pero paano? Ah basta! bukas na bukas sisimulan ko na! lagot ka sakin.
Wait, hating gabi na pala. Makatulog na nga. Langya kasing pugo yan sinisira ang gabi ko -.-
(Kinabukasan...)
As always, alam niyo na, maaga akong pumasok. Nasa corridor pa lang ako papunta sa room namin nang makarinig ako ng mga kaluskos o tunog ng mga nagtatakbuhan.
Kinabahan ako. Shet, wala pang ibang tao dito. Ano yun? O.O
Kahit na medyo nanginginig ako sa takot, este sa kaba lang pala, dumeretso ako sa room. Bakit naka sarado ang pinto? Nakasalubong ko naman kanina si manong, sabi niya bukas na daw ang pinto.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto, nag aalangan akong buksan 'to, baka mamaya dito galing yung tunog kanina. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dahan dahang binuksan ang pinto.
Oh, bukas pala eh?
"Happy fifth daysary!!!" nagulat ako nang makitang si Mae, Jo at Kayla ang tao sa loob. Ano daw? fifth daysary? saan nila napulot yun?
"Ha?" I gave them 'anong meron look' obviously nagtataka ako.
"Surprise 'to ano ka ba! nag effort pa kaming pumasok ng maaga para lang batiin ka no!" bungad sakin ni Jo
"Oo, at siya ang may pakana ng lahat ng ito" sabi naman ni Kayla na mukhang napilitan lang din dito.
"Teka, anong fifth daysary? meron ba nun?"
Lumapit silang tatlo sakin,
"Eh diba pang limang araw niyo na ngayon?" tanong ni Jo
"Nino?," napaisip ako, "Ahhh, ano naman kung pang limang araw na ng kalokohan na 'to?" pagtukoy ko sa you know, samin ni GJ. Medyo bad mood pa ako, kaya wala akong gana ngayon.
"Sabi ko naman sa inyo eh, hindi niya rin magugustuhan ang idea na 'to. Burahin niyo na nga yung nasa board, pati ako nauumay eh" agad akong tumingin sa board pagkatapos sabihin ni Mae yun,
"Anong, bakit..," nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, "AAAAAAAHHH!!! burahin niyo nga yan!!!" sigaw ko sakanila.
Agad akong pumunta sa harapan para burahin ang nakasulat sa board.
"Kita mo, satin niya pinapabura pero siya ang magbubura -.-" rinig kong sinabi ni Kayla.
"Ano ka ba Chels! ang ganda nga ng pagkakasulat ko dyan eh! Happy fifth daysary! tapos nakalagay pa sa baba yung pangalan niyong dalawa, may heart heart pa! perfect diba ^__^" tuwang tuwang sinabi ni Jo.
Pagkaburang pagkabura ko ng nakasulat sa board, ibinaba ko ang gamit ko sa upuan ko atsaka lumabas ng room. Sinundan naman ako nung tatlo.
"Mainit yata ulo mo?" tanong ni Kayla.
Sigh, "Ewan ko ba, naiinis talaga ko eh" sagot ko.
"Kanino na naman ba?" she asked.
"Wait wait! huhulaan ko, yung name niya ay nagsisimula sa G at nagtatapos sa J. Si GJ! tama ba ako?" sabat naman ni Jo.
"Oh bakit naman? hindi pa nga kayo nagtatagal LQ na kaagad kayo?"
"LQ?! walang ganun Kayl! naiinis ako sakanya kasi hindi ko magawa yung goal ko. Nakakainis kasi habang ipinamumukha niya sakin yung kalokohan niya, ako eto wala pang nagagawa. Nakakainis! parang gusto ko siyang sakaling nung-- nung ano..."
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...