*Christmas Party part 2...*
Chelsie's POV
"Ngayon naman, hawakan niyo ang left hand ng ka-partner niyo"
Nakakakalahati pa lang kami sa newspaper, hindi ko na alam kung paano ko pa gagawin ang game na 'to. Naiilang na ako, ni hindi ko nga siya matitigan ng diretso ang hawakan pa kaya ang kamay niya.
"Ayoko, please..." I whispered
"Lumapit ka" bulong niya sakin
"Ano?"
"Sabi ko lumapit ka. Ayaw mong hawakan ko kamay mo diba? lumapit ka ng konte para hindi nila tayo mahalatang nandaraya"
"Ano?!"
I heard him sighed. At ilang saglit lang, hinatak niya ako palapit sakanya.
Ngayon halos two inches na lang ang pagitan naming dalawa. Pagkatapos magkaharap pa kaming dalawa, ano na naman ba 'to destiny? Hindi ko na talaga kinakaya ang game na 'to -__-
Huminto na ang music, at bawat pag hinto ng music lalong lumiliit ang newspaper na inaapakan namin. Mas lalo kaming nadidikit sa isa't isa.
"Ayoko na" sigaw ko.
"Huh? bakit Chelsie? sayang naman, ang partner niyo na lang at ni Jo ang natitira. Sayang yung prize" sabi ni Emerson.
"Basta, ayoko na. Nangangalay na kasi ako eh" pagdadahilan ko.
"Sigurado ka?"
I nodded.
"Okay, ang nanalo sa first game natin ay sina Jo at Cliff"
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Pumunta ako sa may drinking station atsaka uminom ng juice. Pagkatapos lumabas muna ako sa room, masyadong mainit sa loob, magpapahangin muna ako sa labas.
Sigh.
"Ang pangit ng first game" sabi ko sa sarili ko.
Naalala ko tuloy yung naging position namin kanina. 1/4 na yung size ng newspaper tapos yung position namin, magkayakap. Hindi ko alam kung paano namin nagawa yun, knowing na hawak ko siya sa tenga at hawak niya ko sa pisngi, plus magkahawak pa ang left hands namin. Hindi ko na natagalan pa na nasa ganun kaming position, kaya umayaw na ako.
"Bakit nandito ka sa labas?" napatingin ako sa boses ng lalaking nagsalita, si GJ.
"Ikaw pala. Nagpapahangin lang ako" sagot ko.
"Ahh, mukhang masaya sila sa loob ah? bakit ayaw mong sumali sakanila?"
"Nakasali na ako sa first game, pero umayaw din ako"
"Oh, ba't ka naman umayaw?" he asked
"Sandali, parang hindi kita nakita kanina sa loob. Kararating mo lang ba?" pag iiba ko ng usapan.
"Hindi, kanina pa ako dito sa school. Nasa kabilang section lang ako kanina, nandun kasi yung girlfriend ko" he said.
"Ahh..."
May girlfriend pala siya? Sabagay, hindi naman malayong mawalan siya ng girlfriend sa itsura niyang yan.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Huh?"
"Sabi ko, bakit mo ako tinitignan ng ganyan?"
"Ha? ah wala, wala" sabi ko then I looked away.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...