*Christmas Party part 1...*
Chelsie's POV
"Hmm bakit?" he said.
"Anong bakit?! diba magkikita kayo ni Chelsie ngayon? kanina ka pa nga namin hinihintay eh!" sabi ni Kayla.
"Huh?" pagtataka niya.
Nakita kong pinanlakihan ng mata ni Kayla si GJ. Tss, wala akong kinalaman diyan ah! -___- Kayla ang sarap mong pektusan sa bangs, ano ba 'to?
"Ha? ah, oo, magkikita nga kami ni Chelsie ngayon" sagot ni GJ.
Sa tingin ko, wala na siyang nagawa kundi ang sakyan si Kayla sa kalokohan niya.
"Ah ganun ba? pwede ba kaming sumama sa inyo ni Michael? wala na rin naman kaming pupuntahan eh" sabi ni Jana.
"Ay nako, hindi pwede eh. Lakad lang nilang dalawa 'to eh. Actually inihatid ko lang talaga si Chels dito, tapos aalis din agad ako kapag dumating na siya. Diba GJ?!" tumango na lang si GJ. "kaya hindi talaga pwede" dagdag pa ni Kayla.
Osige, ikaw na ba ang spokeperson ko ngayon? Sige na nga lang, makikisakay na lang ako kung ano mang trip nitong si Kayla. Ayoko din namang makita at makasama yung isa eh.
Medyo parang timang na rin ako dito, poker face. Hindi ko alam kung anong gagawin.
Napansin kong nakatingin si Michael kay GJ. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko kapag ganyan siya tumingin, hindi niya nagugustuhan ang nangyayari dito.
"Ah sige, mauna na kami ah? Chelsie, sa susunod na pagkikita natin ikwento mo sakin ang tungkol sa inyo huh?" she smiled pagkatapos tumingin siya kay GJ atsaka umalis.
Anong tungkol samin? Wala naman ah? Pero teka, gusto kong kausapin si Kayla tungkol dito.
"Bakit mo sinabi yun?! sira ka talaga!" humarap ako kay GJ, "Sorry GJ ah, pasensya na kung nadamay ka pa dito"
"Okay lang" he answered and smiled. Shet, ang gwapo. Pero di ko talaga siya gusto.
"Yun naman pala eh! Bat ka nga pala nandito GJ?" tanong ni Kayla.
"Bibili ng regalo para sa Christmas party natin"
"Nakabili ka na?" she asked.
"Hindi pa"
"Ah, edi tara! sabay sabay na lang tayong tatlo. Wala pa rin kaming nabibili eh"
"Sige" he answered.
Medyo out of place ako. Hindi naman kasi kami close eh -____-
Habang naglalakad kami nagkukwentuhan silang dalawa. Ako naman tahimik lang, di ako interested sa topic nila.
"Siya nga pala, sinong reregaluhan mo?"
"Secret" sagot niya kay Kayla.
"Sige na sabihin mo na, hindi ko ipagkakalat promise!"
"Hindi pwede. Sige ka, isusumbong kita kay Emerson, nandadaya ka"
"Tss, ang damot! Ay teka sandali, diyan lang muna kayo ni Chels, titignan ko lang yun" she said atsaka pinuntahan yung bagay na nakita niya.
"Mukhang iniiwasan niyo sina Michael kanina ah?" he said.
Ako ba kausap niya?
"Ha?"
He smiled.
Praning na yata 'to, ngiti ng ngiti.
"Tama ako diba? bakit niyo sila iniiwasan?"
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...