*Feeling sorry...*
Chelsie's POV
Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nung gumaling ako. Mabuti nga't tatlong araw lang ako nagkasakit eh, at least ngayon magaling na ako.
Sa isang linggong yun, sobrang daming nangyari. Isa na dun ay ang pagiging close na namin ni Cliff. Oo, close na kami, yung tipong madalas na kaming nakakapag-usap pero as friends lang talaga. Sa katunayan nga nyan eh may tawagan na kami sa isa't isa, Chicks ang tawagan namin, ewan ko ba sakanya kung saan niya napulot yun. Tapos minsan nagkakatext na rin kami, at dahil nga sa chicks na ang tawagan namin, naging chix na lang dahil sa sobrang tamad ko mag type sa text. Masyado kasing mahaba yung chicks eh, nakakatamad talaga.
Heto nga't kasama ko siya ngayon, lunch break, nilibre niya ako sa canteen ng lunch. Hindi ko kasama sina Kayla at yung dalawa pa dahil ipinauubaya na daw nila ako kay Cliff. Ewan ko sakanila, talagang may ipinagpipilitan sila pero wala sakin yun.
Tapos na rin kaming kumain kaya lalabas na kami ng canteen. At nang makalabas na kami bigla namang napatigil si Cliff sandali habang nakatingin sa may lobby.
"Chix, anong meron?" I asked him.
Hindi siya sumagot, napatingin na lang din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. I saw a familiar girl, nakita ko na yata siya nung JS prom, oo tama siya nga yung kasama ni GJ nun. Pero sino yung kaharutan nung girl? hindi naman si GJ eh, ibang lalaki.
"Diba siya yung girlfriend ni GJ?" tanong ko ulit.
"Ex..." he said.
"Ex?" pagtataka ko,
"Ex na ni GJ yan. Sa totoo lang hindi naman seryoso si GJ sakanya. Nung nalaman ng girl, ayun nakipag break siya tapos ayan may bago na siya. Ganti daw niya kay GJ"
Ohhh, eh may sapak pala talaga sa utak yang si GJ. Ba't naman niya kasi niloloko yung girl!
"Ahhh..." I said, then nag start na ulit kaming mag lakad.
Pero teka, paano naman niya nalaman ang lahat ng yun? Sabagay tropa nga pala sila, siguro nagkakakwentuhan din sila about sa love life nila. Hmm, di ko ma-imagine!
Pag akyat namin sa floor namin, nakita ko sa may corridor si GJ parang may tinitignan sa baba.
"Sige Chix, mauna ka na sa loob. Magpapahangin lang ako dito sa labas" sabi ko kay Cliff, then pumasok na siya sa room.
Lumapit ako ng konti malapit kay GJ. Hindi naman kalapitan, mga 5 steps away lang sakanya. Tumingin ako sa ibaba, kung saan din siya nakatingin. Nahagilap ulit ng mga mata ko yung babae kanina, yung ex niya.
Ohhhh... so dun siya nakatingin? eh bakit parang ang lungkot niya?
"Tsk tsk, bakit mo kasi siya niloko--" natigilan ako sa sinabi ko, shemay malakas yata yung pagkasabi ko, narinig kaya niya?
Dahan dahan akong tumingin sakanya, at oo nakatingin siya sakin...
"Ah, eh, hehehe hindi ikaw yun ah, actually wala naman talaga akong sinabi" ^__^" my face.
He smirked.
Yun lang? yun lang reaksyon niya?
"Sorry, sige pasok na ako sa loob" I said.
"Hindi ko siya niloko" he said.
Napatigil ako sa paglakad,
"Sakin niya pa nga yun nagawa eh" pagpapatuloy niya.
Ibig mong sabihin, ikaw ang niloko? teka, paanong? sabi ni Cliff ikaw yung... ang gulo naman!
Bumalik ulit ako malapit sakanya, siguro mga 3 steps away na lang.
"Anong nangyari?" hindi naman halatang chismosa din ako.
"One of her friends told me na hindi naman daw talaga niya ako gusto, sinubukan niya lang daw ako. Nakakatawa nga eh, kung kailan seryoso na ako ngayon pa nangyari 'to..."
Teka, bakit niya kinukuwento sakin yan? ang tanong ko lang naman kung anong nangyari, pero pati yung... okay, sige pakikinggan ko lang siya. Baka kailangan niya ng kausap ngayon.
"Gusto mo ba ako?" he said.
Naknang! anong klaseng tanong yan?!
Nagulat ako syempre,
"I mean, kahit siguro naman magugustuhan ako eh"
Aba nga naman, talagang may kayabangan siyang taglay sa katawan.
"Pero bakit siya hindi? bakit niya nagawa yun?" pagpapatuloy niya.
Okay, ngayon ko lang nakita yung ganitong side niya. Halatang malungkot siya, at isa pa talagang gusto niya yung babae.
Pero bakit iba yung sinabi sakin ni Cliff? Hindi ko maintindihan.
"Tss, bakit ko nga ba sinasabi sayo 'to? eh wala ka namang alam pag dating sa ganito" he said then tumalikod na siya.
Aba! ikaw na nga 'tong dinamayan ikaw pa 'tong ganyan!
"Alam mo, hindi lahat ng babae makukuha mo. Hindi lahat magkakagusto sayo. Ako, natanong mo na ba kung gusto kita? ay oo nga pala, katatanong mo lang, ang sagot ko? Kung sa ugali mong ganyan, malamang hindi talaga kita magugustuhan. Akala ko pa naman noon, okay ka, na hindi ka katulad ng iba na mayabang dahil gwapo sila. Hindi pa kita kilala, ayoko rin sanang husgahan ka, pero kung gusto mong magustuhan ka ng tao subukan mong maging mabait ka sakanila, kahit minsan lang" marahan kong sinabi.
I heard him smirked, tapos umalis na siya. Yun lang sagot niya? ang haba haba ng sinabi ko yun lang?! Pugo ka talaga! grrr -.-
Pumasok na ako sa room, maya maya lang darating na rin si ma'am.
Nang dumating na si ma'am, agad din siyang nagklase. Lumulutang yung isip ko, walang pumapasok sa utak ko.
Haaay...
Ang lalaking yun, napaka-bipolar ang hirap niyang intindihin. Mukha naman siyang mabait, pero mukhang bad boy din.
Ano ba yan! bakit nga ba siya pa pumasok sa isip ko? nakakainis lang talaga kasi eh!
"Huy! lutang ka na naman no?" pabulong na sinabi sakin ni Kayla.
"H-hindi ah!" I answered.
"Oo nga pala, nakita ko kayo kanina ah?"
"Nino?" I asked.
"Sino pa ba? edi si GJ" she answered
Siya na naman? -.- Sandali nga, nakakahalata na ako ah, palagi na lang niyang natityempuhang magkasama o magkausap kami ni pugo.
"Ahhh, wala may napag-usapan lang kami" I said.
"Ano yun?! chika mo naman!" agad agad niyang sinabi.
"Napag-usapan lang namin yung tungkol sakanila ng gf niya, ex pala I mean" I said.
"Oo nga, naririnig ko nga sa mga classmate natin yan. Kanino mo naman nalaman yan?"
"Sinabi lang sakin ni Chix kanina"
"Chix? si Cliff? kahapon lang nakita ko siya at yung ex ni GJ na magkausap. Ang alam ko nga friends sila eh" she said.
Friends?
"Talaga? magkaibigan sila?"
"Oo, nakikita ko sila minsan na magkasama"
Kung magkaibigan sila, ibig sabihin yung girl ang nagsabi kay Cliff about sa break up nila ni GJ. Pero ang sabi naman sakin ni Cliff, kaya daw nakipag-break yung girl kasi niloloko siya ni GJ. Ang sabi naman sakin ni GJ siya yung...
Hindi ko alam kung tama yung nasa isip ko. Pero kung tama man yung naiisip ko, siguro dapat hindi ko siya napagsalitaan ng ganun kanina.
"Huy, ayan ka na naman! subukan mo kayang mag share!" she said.
"Chelsie and Kayla, anong pinag-uusapan niyo dyan?" sigaw ni ma'am
"Ah, wala po ma'am pasensya na po" I answered.
Should I say sorry to him? shemay, nagpadalos dalos ako sa pagsasalita hindi ko naman alam yung buong kwento >_< kahiya.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...