*Confuse day...*
Chelsie's POV
Aagahan ko ba ng pasok? Siguradong nandun na siya pag pumasok ako ng maaga ngayon. Eh kung magpa-late ako? Edi obvious na iniiwasan ko? Sigh. Bahala na nga, papasok na ko.
Eto na, nandito na ako sa school. Kinakabahan ako. Teka, bat ba ako kakabahan? masyado ba akong affected sa sinabi niya kahapon?
Oo -___-
Okay, ganito na lang, iiwasan ko siya. Kahit pa kulitin niya ako, iiwasan ko siya! Naguguluhan na ako, ewan ko kung bakit. Pero kailangan ko ng matahimik.
Pag pasok ko ng room, bukas na, pero wala pang tao. Sigh. Buti naman at wala siya, sana di siya pumasok. Nako ipinapanalangin ko yan ngayon, wag kang papasok Michael please *cross fingers*
Halos mag e-eight in the morning na, nandito na rin yung ibang mga classmates ko pero wala pa rin siya. Kung ganun, hindi siya papasok? Yes! buti naman. Sigh, matatahimik ako ngayong araw na 'to.
"Andyan na si ma'am!" sigaw nung kaklase ko.
Ganyan kami dito, kapag may isa sa amin na makakita sa parating na teacher, parang biglang nag aalarm, naghuhudyat. Kaya eto, parang mga ninja moves yung mga kaklase ko sa pag aayos ng nagulong mga upuan.
Since malapit lang ako dito sa may window, makikita ko ang pagdating ni ma'am kasama si... Michael? hala, p..pumasok siya?!
Napalunok ako nang makita ko siya kasama si ma'am, may dala siyang gitara at dala dala pa niya yung mga gamit ni ma'am! Ano 'to, nagpapakitang gilas kay ma'am? tss.
Pagpasok ni ma'am Anna Lontoc, agad namin siyang binati.
"Goooood mooorning ma'am!" bating pang grade 1 -__-
"Good morning. Sa wednesday na ang periodical exam natin diba? pumasok lang ako today para mag check ng attendance since tapos na rin naman ang lessons natin sa values" teacher namin siya sa Values, more about moral conduct and attitudes ang subject na yun. "Okay, go to your proper seats." Nagsimula na siyang nagtawag, hanggang sa matapos.
"So, anong gusto niyong gawin ngayon?" tanong ni ma'am
"Eh diba ma'am sabi nyo mag aattendance lang?" sabi ni Kayla
"Oo nga, pero it doesn't mean na iiwan ko na lang kayo dito basta. Kilala ko ang section niyo, hindi pwedeng walang magbabantay sa inyo" naka ngiting sinabi ni ma'am Anna.
"Aaaayyyyy" panghihinayang ng ilan sa amin,
"Oh by the way, Michael, nasan ka?"
Bigla akong kinabahan nung marinig kong tinawag ang pangalan niya.
"Yes ma'am?" sagot niya.
"Diba kanina may sinabi ka sakin? Ano nga ulit yun?"
Ano yun? Anong sinabi niya kay ma'am? Mas lalo yata akong kinabahan ngayon. Bakit ba apektadong apektado ako? -___-
Biglang pumunta si Michael sa harap dala yung gitara niya. Lumapit siya kay ma'am atsaka may ibinulong. Ano bang ginagawa niya?!
"Ah, okay. Class listen! ganito na lang, dahil wala naman tayong gagawin, magkakaroon tayo ng talent portion" talent portion? seryoso ka ma'am? "Sisimulan muna ito ni Michael. Let's give him a round of applause"
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Oo sila lang, ako hindi. Pero kakanta siya? bakit? Siya siguro ang nagpasimuno ng talent talent na yan -.-
He started strumming. Lahat kami tahimik. Inaabangan kung ano ang kakantahin niya.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...