*First fight...*
A/N: Hi guys! To clear things between Kayla and Gelo thing, may short POV si Kayla for this Chapter. And also, I'm planning to create another story na naka-focus lang kila Gelo and Kayla. Pero pinag-iisapan ko pa ^_^ So here's Kayla's POV! enjoy! don't forget to leave comments and votes! Thankie!
~~
Kayla's POV
Hindi maganda ang mga nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw. Puro kahihiyan ang ginagawa ko. Ewan ko ba, para akong tanga. Hindi naman ako ganito noon eh. Pero simula noong dumating siya nagbago lahat.
Nakakatawa mang isipin pero, nagtapat ako sakanya. Ang tanga tanga diba? Obvious na obvious naman simula pa lang, pero nagulat pa siya nang malaman niya.
I was dumbfounded that time when he told me the words that break me into pieces.
I'm sorry, he said.
Nakakainis kasi yun lang ang naisagot niya sakin. And what hurts me more when he told me that he like... no, he love my best friend. Chelsie.
Ramdam ko naman yun eh, noon pa. Pero dahil sa pinapakitaan naman niya ako ng maganda noon, akala ko nagkakamali lang ako. Hanggang akala na lang pala yun.
I'm so stupid! bakit nga ba hindi ko naisip na baka nga gusto niya si Chelsie in the first place? Matagal na silang magkakilala at magkababata sila, hindi talaga malayo na magustuhan niya si Chelsie.
I don't know why I fell easily to him.
Hindi ako galit kay Chelsie dahil siya ang gusto ni Gelo. I hate myself for liking someone who doesn't like me. That's why I'm ending this kaharutan na. I deleted his number to my phone. Umiiwas ako sakanya at hindi na siya pinapansin. Pero bago ko nagawa yun kinailangan ko munang di pumasok ng isang araw para makapag-isip isip.
And now, I'm trying my best to avoid him. Kahit na sobrang lapit niya sakin at gustong gusto ko siyang kausapin.
***
Chelsie's POV.
"Chels anong nangyari dun? bakit parang galit na galit siya?" sabi ni Kayla, humarang silang tatlo sakin.
"Sandali lang ah, kailangan ko siyang makausap"
Dire-diretso akong naglakad nang humarang naman si Gelo.
"Chelsie wag na" he said.
"Hindi. Kakausapin ko siya"
Sobrang lakas ng kaba ko ngayon. Aaminin ko, natakot ako sa naging reaksyon niya kanina. Galit na galit siyang lumabas sa room kanina. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Natatakot ako, pero kailangan kong magpaliwanag sakanya.
"Hindi mo magugustuhang makita kung ano ang ginagawa niya ngayon" he said.
Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng isang malakas na kalabog na nanggaling sa room nila.
After that sound natulala na lang ako sa harap ni Gelo habang nanginginig. Anong ginagawa niya?
Sinamahan ako ni Gelo pabalik sa room.
"What happened huh?" alalang alalang sinabi ni Kayla.
"Nabasa niya kasi yung,.. yung message ni Richmond"
"Richmond? yung ex mo? paano?" Kayla asked.
"Eh teka, ano bang nabasa niya?" sabat ni Mae.
Ipinakita ko naman yung message ni Richmond sakanila. Nagulat naman sila sa nabasa nila. But I explained what's the story behind that message. Naintindihan naman nila ako.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...