*Ex is back...*
Chelsie's POV.
"Okay class! tapos na ang klase natin. May natitira pa namang oras, magpahinga na muna kayo bago bumalik sa room niyo. Next week ang exam ninyo. No written exam, I will announce what you are going to do next week. Okay, magpahinga na kayo" ma'am Cruz said at pagkatapos ay nauna na siyang umalis.
Nagpunta naman kami nina Jo, Mae at Gelo sa lobby at doon naupo. Magpapahinga muna kami dahil kakatapos lang ng game namin ng badminton. Kalaban ko kanina si Gelo, one on one ang laban. Pinagod ako ng mokong na 'to, kaya ngayon medyo hinahabol ko pa ang hinga ko.
"Oh ano, okay ka lang?" Gelo asked.
Huminga ako habang hawak ang dibdib ko, "Pag ako hinika isusumbong kita kila mama. Sasabihin ko pinagod mo ako!"
"Uy wag! baka magalit sakin sila tita" halata sa mukha niya takot din siya.
Nginitian ko siya ng nakakaloko, "Alam ko na! para hindi kita isumbong" I grinned,
"Itanong mo kay ma'am kung ano yung ipapagawa niya satin sa exam!""Ha? hindi pwede. Hindi naman nagsasabi sakin si tita eh, lalo na't alam niyang estudyante niya ako. Baka isumbong lang din niya ako kay mama pag nagkataon"
"Ah, ganun ba? kahit pala tita mo si ma'am hindi pa rin pwede"
Napalingon naman ako kay Mae, may kausap siya sa cellphone. At nang maibaba na ni Mae ang phone niya, agad siyang lumapit.
"Sinong kausap mo?" I asked.
"Si Kayla. Masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok"
"Ah, kaya pala. Eh bakit ikaw lang ang tinawagan? hindi manlang niya ako tinetext ngayong araw"
"Hindi niya nasabi sakin eh. Pinaalam niya lang na masama ang pakiramdam niya tapos yun, nagpaalam na siya" Mae said.
Tumabi ako kay Gelo, "Ikaw? tinetext ka ba niya? sinabi din ba niya sayo yung lagay niya?"
Umiwas siya ng tingin, nag iba yung expression ng mukha niya. Mukhang may problema. Ilang araw ko na ding napapansin yan.
"Gelo--"
"Chels! s-si ano! sino nga ulit yan?" natigilan ako nang biglang sumigaw si Jo habang may itinuturo.
Napatingin naman ko sa tinuturo niyang direksyon. Nagulat ako nang makita ang taong yun.
"Si Richmond yan diba? bakit siya nandito?" Mae said.
"Oo, si Richmond nga. Ang gwapo pa rin niya!" kinikilig kilig na sinabi ni Jo.
"Sino siya?" I heard Gelo.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"Halika Chels! lapitan natin siya" Jo said.
"Ayoko. Nahihiya ako"
"Teka sandali, sino ba siya?" sabat ni Gelo.
"Chelsie's ex. Naalala ko pa dati, sobra sobrang pangungulit ang ginagawa niya kay Chelsie para lang sagutin siya"
"Jo, pwede ba? ayoko nang maalala yan."
"Bakit naman?"
"Alam mo namang--"
"Hindi maganda ang nagawa mo sakanya noon?" pagputol niya sa sinasabi ko.
I sighed, "Tara na nga, umakyat na tayo"
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Novela JuvenilMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...