Chapter 20

55 1 0
                                    

*Aftershock...*

Chelsie's POV

"Ano?! Sinabi ni Michael yun?!" gulat na gulat na sinabi ni Kayla

"Eh pero teka, bakit hindi namin kayo nakita nun?" tanong ni Mae

"Oo nga, nung namatay yung mga ilaw hindi ka na namin nakita" sabi naman ni Jo

"Malamang, madilim eh, wala ka talagang makikita" sagot ni Kayla.

"Sandali nga, patapusin niyo muna kasi yung kwento ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya at nasabi niya yun. Pero pakiramdam ko naman sincere siya sa lahat ng mga sinabi niya" I said.

"Eh ikaw Chels, anong naramdaman mo?" tanong ni Kayla, biglang nagbago ang tono ng pananalita niya. Pati yung mga reaksyon nila, halatang nag aalala.

"Ako?"

Ano nga ba? Nung gabing yun, habang sinasabi niya sakin yun wala akong ibang naramdaman kundi saya. Hindi ko alam kung bakit, ayoko na lang kwestyunin kung ano man ang naramdaman ko. Basta ang alam ko tama lang ang ginawa niya, at tama lang na maging masaya ako para sa naging desisyon niya.

Ewan ko ba sa mga kaibigan kong 'to, kung ano ano na naman siguro iniisip nila.

"hmm ok--"

"Hay nako, wag na nga nating pag-usapan ang tungkol dyan! pag-usapan na lang natin yung ibang mga bagay. Ikaw Jo, ilan ba nakasayaw mo?!" pag iiba ng usapan ni Kayla, tss gusto nila ng sagot pero hindi naman ako pinatapos, lokohan lang? -_-

Pero speaking of kung ilan ang nakasayaw, naalala ko yung pangyayaring halos ikawindang ko na. Grabe, maloloka na yata ako nang gabing yun. At hanggang ngayon, may aftershock pa rin ako sa mga nangyari.

"Sandali, may ikukwento ako sa inyo..." I said habang nakatulala na ewan.

*Flashback*

Pagkatapos akong isayaw ni Adrian bigla na lang niya akong inabutan ng red rose atsaka naman lumapit si Emerson na may dala ring red rose.

"Adrian ba't naman late mo na ibinigay yung rose?" tanong ni Emerson.

"Nakalimutan ko eh" sagot naman ni Adrian habang nagkakamot ng ulo.

Ibinigay sakin ni Emerson yung rose, atsaka kami nagsimulang magsayaw.

"Ang ganda mo ngayon ah?" he said.

"Ngayon lang ba?" I answered.

"Of course, not" he said.

Wait, ba't parang ang seryoso niya ngayon? parang walang halong biro yung mga sinasabi niya.

Ilang saglit lang ay sinundan siya ni Joseph pati na rin nina Carlo, Jaymark, Lorence, at Brian. Lahat sila binigyan ako ng red rose.

Okay, this time sobrang nagtataka na talaga ako. Anong meron? Oo prom 'to at normal lang na isayaw nila ako. Pero ang pagkakasunod-sunod nila, pati na rin yung mga roses, parang nakakapagtaka yata? Parang may mali, hindi naman sila ganito sa totoong buhay. I mean, wala sa bokabularyo nila ang maging matino. Ngayong gabi halos lahat sila napaka-gentleman, na hindi kapanipaniwala.

Ilang saglit lang din ay may bumungad sa mukha ko na red rose, hindi ko alam kung sino ang may hawak dahil ang taong may hawak ng rose ay nasa likod ko. Agad akong tumalikod, at pagtalikod ko isang mukha ng mistisong lalaki ang nakita ko.

2 inch, I guess? Halos 2 inch na lang yata ang pagitan ng mukha ko sa mukha niya. Napalunok ako at saka napaatras.

He smirked.

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon