Chapter 23

88 1 0
                                    

*Chel-sick...*

Chelsie's POV

(Night time)

*WHEEZING... WHEEZING*

Ito na naman, naririnig ko na naman yung parang huni ng ibon...

*WHEEZING*

Nahihirapan ako, parang ang sikip ng pakiramdam ko...

*WHEEZING*

Nararamdaman kong unti unti nang bumabagsak ang mga mata ko, inaantok na yata ako...

(Kinabukasan...)

Bakit pakiramdam ko ang bigat ng mga mata ko? Parang hindi ko maibukas sa sobrang bigat ng feeling.

Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga. Anong oras na ba? male-late na yata ako sa school. Tumayo na ako atsaka kinuha yung towel ko para makaligo na.

Bakit pati yung katawan ko sobrang sakit? parang hindi din ako makagalaw ng husto, parang nanghihina ako...

Nang makapasok ako sa banyo, agad akong naghilamos. Humarap ako sa salamin, nagulat na lang ako nang makita kong chinita na ang mga mata ko, pati yung katawan ko punong puno ng pantal.

*WHEEZING*

Ito na naman, sumisikip na naman yung dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.

"Chelsie 'nak, asan ka ba? male-late ka na sa school" rinig kong boses ni mama.

Gusto kong sumagot pero hindi ko magawa, inaatake na naman ako ng hika.

"Oh Chelsie, nandito ka lang pala bakit hindi ka pa naliligo?"

Humarap ako kay mama, atsaka humawak sakanya. Pakiramdam ko anytime babagsak ako.

"Chelsie anak, hinihika ka na naman ba?" pag aalala niya sakin, inalalayan niya ako pabalik sa bed ko atsaka inihiga.

"Sandali lang anak, kukunin ko lang yung gamot mo" nag aalalang sinabi sakin ni mama.

*WHEEZING*

I hate this feeling, I can't breathe. Sobrang nahihirapan ako...

Nang dumating na si mama, inalalayan niya ako para mainom ko yung gamot ko. Agad ko naman itong ininom.

"Ano bang nangyari? bakit inatake ka na naman ng asthma mo?" she asked.

"Hindi ko po alam" pinilit kong sumagot kahit medyo nahihirapan.

"O sige anak dito ka lang muna, tatawagan ko yung doctor mo para i-check ka. Sandali lang." sabi niya atsaka umalis.

Unti unti, naramdaman kong lumuluwang na ang pakiramdam ko. Medyo nakakahinga na rin ako. Siguro masyado lang akong napagod kahapon kaya ako inatake ngayon.

Inaantok ako... sa tuwing iinom ako ng gamot palagi akong inaantok. Hanggang sa makatulog na ako.

(Makalipas ang ilang oras...)

"Chelsie anak, may bisita ka. Nasa baba yung mga kaklase mo"

Sino daw? yung mga kaklase ko?!

Pinilit kong iminulat ng malaki ang mga mata ko kahit na sobrang singkit nito,

"Oh, sandali dahan dahan lang" sabi ni mama, agad kasi akong bumangon ng marinig kong nandito ang mga kaklase ko.

Pero sino? Sila Kayla kaya? Nako naman, paano nila nalaman na may sakit ako? Hindi nila ako pwedeng makita ng ganito! nakakahiya, baka asarin lang nila ako pag nakita nila itsura ko.

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon