*Truth Reveals...*
Chelsie's POV
Mula pagkakain hanggang matapos, tahimik lang ako. Paano ba naman ako makakapag salita kung yung dalawa lang ang nag uusap at nagkakaintindihan dito. Ito namang lalaking 'to, kanina halos magtipid ng salita tapos ngayon close na close sila.
Teka, akala ko ba galit si Dianne kay GJ kasi niloko siya? eh ba't ngayon parang... Oh, I forgot mukhang naging okay na yata sila nung may naganap na yakapan moment sakanila.
"Oh by the way, napanood ko yung volleyball game niyo. Ang galing mo dun! isa pa, napansin ko parang bigla kang naging aggressive nung game niyo. Dahil ba nanonood ako kaya ginalingan mo?" tuwang tuwang sinabi ni Dianne.
Porket pinanood mo ikaw na kaagad ang dahilan kung bakit niya ginalingan sa game? hindi ba pwedeng--
"Actually, para kay Chelsie yun. Bumawi ako. Wala kasi akong nagawa nung nasaktan siya. And I hate myself for doing nothing that time"
Ayan! assuming kasi! HAHAHA! wait, ano daw?! O_O
I looked at him and he is looking straight at me. Tapos ngumiti siya.
"Ohh, I see" sabi naman ni Dianne.
Kinikilabutan naman ako sa sinabi niya. Pati yung mga tingin at ngiti niya. Shet! naiihi ako!
"Ah, excuse me, CR lang ako" sabi ko pagkatapos tumayo na ako.
"Sabay na tayo" naka ngiting sinabi ni Dianne.
No choice. Sabay na kaming pumunta sa cr. Di ko talaga siya feel, ewan ko ba. Pagpasok namin sa comfort room, naghugas lang ako ng kamay. Kembot lang yung sinabi ko kaninang naiihi ako.
Habang naghuhugas ako ng kamay, si Dianne naman ay nag aayos ng sarili niya. Nagpapaganda for short.
"Ah, Chelsie, kailan pa kayo naging mag best friend? ang alam ko kasi wala siyang best friend na babae dito eh" bigla naman niya itinanong habang nag aayos siya.
"Ah, eh, ano... nung kailan lang" umiiwas ako ng tingin, ang galing ko kasi mag sinungaling eh.
"Eh girlfriend? may girlfriend na ba siya?" bigla siyang lumapit sakin.
Nakaramdam naman ako ng kaba. Bakit ba ang dami niyang tanong?
"Ahh, hindi ko alam eh. Wala naman siyang nakukwento sakin" sagot ko. Ako naman kaya ang magtanong sakanya? "Ah, diba ikaw yung girlfriend ni GJ?" pasimple kong tinanong.
"Hmm, EX. Correction, EX na lang" ipinagmamalaki niyang sinabi. "He's cute, mabait at gentleman din naman. Kaso hindi kami nagtagal eh" pagpapatuloy niya.
"Bakit hindi kayo nagtagal?" pang uusisa ko.
"Hindi ba niya nakwento sayo?" she asked, umiling ako.
Itinigil niya ang pagpapaganda sa mukha niya, lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Magiging honest ako sayo since best friend ka naman ni GJ. Actually, I don't really like him before. Kaya ko lang naman siya sinagot dahil sa mga friends ko, sagutin ko daw eh" maarte niyang sinabi, "So ayun, sinagot ko naman. Hanggang sa medyo tumagal kami, but it was all part of my game. Napilitan lang kasi ako eh," Aba! ginaya pa ako -_- "Hindi ko naman akalain na magsiseryoso sakin si GJ. Then I broke up with him, ayoko na kasi, nakakasawa din pala" pagpapatuloy niya.
Habang patuloy siya sa pagkukwento, parang bigla na lang ako nakaramdam ng inis. Kumukulo yung dugo ko sa mga naririnig ko sakanya. Eh ano yung kinakalat niyang niloko siya ni GJ?! hindi yung totoo?!
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...