*Ikaw Lamang...*
Chelsie's POV
"Maaaaaa!!!! alis na po ako!!" sigaw ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.
"Mag almusal ka muna"
"Hindi na po! male-late na ako!"
Dali dali akong lumabas ng pinto.
Wala pa rin pala si Gelo. Mukhang napasarap talaga sa baguio. Sabagay, masarap at masaya talaga sa baguio.
Sumakay ako ng tricycle palabas ng village namin. Late na akong nagising kanina. Sobrang sarap kasi ng tulog ko, parang ayoko pa ngang bumangon eh. Lahat na ng pagmamadali ko ginawa ko na dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase namin. Baka makuhaan pa ako ng id kapag na-late ako.
Meron pa naman akong 30 minutes para makarating sa school. Sana lang hindi traffic.
Nang makarating ako sa school, tinakbo ko na ang hallway para mapabilis ako.
"Male-late ka na hija!" sigaw ni manong na nilagpasan ko.
"Alam ko manong! salamat!" sagot ko habang tumatakbo pa rin
Nakarating ako sa floor namin. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita kong nasa labas pa ng room yung iba kong mga kaklase. Wala pa yung teacher namin for sure. Mabuti na lang.
Naglakad na ako ng mahinahon, wala na akong dapat ipagmadali eh.
Habang naglalakad ako, bigla namang sumulpot sa harap ko si GJ.
"Late ka?" he said. Sinasabayan niya ako sa paglalakad.
"Oo eh. Napasarap kasi tulog ko"
"So kaya ba hindi ka sumasagot sa mga text ko?"
Natigilan ako sa paglalakad, "Ha? teka sandali," agad kong hinalungkat sa bag ko ang phone ko. Nang makita ko ito, ang dami nga niyang text sakin. "Nako, sorry! hindi ko na napansin kanina sa sobrang pagmamadali ko eh"
"Ganun ba?"
"Sorry talaga" I said.
"Hindi ka nagpaalam kahapon" pag iiba niya ng usapan, biglang naging seryoso yung mukha niya
"Paalam? saan?" pagtataka ko.
"Umuwi ka kahapon nang hindi manlang ako sinabihan" cold niyang sinabi.
Shemay, oo nga pala! kahapon sa mall, hindi na ako nakapagpaalam sakanya.
"Ahh yun ba? ah, ano kasi, hindi ko na kayo inistorbo sa pag-uusap niyo ni Patricia. Mukha kasing--"
"Sana sinabi mo pa rin sakin. Dapat nagpaalam ka pa rin"
Ay, ba't ang cold niya magsalita? galit na siya niyan?
"Nagpaalam naman ako kay Emerson eh, sinabi ko sakanya na--"
"Buti pa kay Emerson nagpapaalam ka, sakin hindi" pagputol niya ulit sa sinasabi ko.
"I'm sorry..." I said.
"Sige na, pumasok ka na sa room niyo" he gave me one last look, tapos umalis na siya at pumasok sa room nila.
Teka, galit ba siya? So siya naman ang nagtatampo ngayon, ganun?
Naglakad na ako papunta sa room hanggang sa makaupo na ako. Binasa ko yung mga text niya kagabi pati na rin yung nga text niya nung hapon. Halata sa mga text niya na galit siya dahil hindi ako nagpaalam sakanya.
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Ficção AdolescenteMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...