*Agaw eksena...*
Chelsie's POV
P-paanong? O_O
Paano siya nakarating dito? bakit siya nandito? Kanina pa ba siya dyan?!
Iniwas ko ang tingin ko, sa bintana na lang ako tumingin.
Kinakabahan ako. Hindi pa kami okay pero bakit hawak hawak niya ang kamay ko? Gusto kong bumitaw pero ayoko rin. Parang 50-50. Ayokong hawakan niya ako ni dulo ng daliri ko dahil sa pambabalewala niya sakin tapos dumagdag pa yung nakita ko kanina. Gusto ko rin naman na hawakan yung kamay niya kasi sobrang na-miss ko talaga siya. Sa paghawak niya sa kamay ko pakiramdam ko safe na safe ako eh. Nagtatalo ang isip ko, 50-50 talaga! >_<
"I'm sorry... sorry sorry sorry, sorry talaga" he said, mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Tokwa, ba't kinikilig ako?! ang sarap pakinggan ng pagkakasabi niya ng sorry sakin.
Pero hindi. Papakipot na muna ako ngayon. Gusto kong amuhin niya ako!
"By... pansinin mo naman ako oh?" he said.
Nagmamatigas ako, talagang kahit mababali na yung leeg ko kakaiwas at kakatingin sa bintana okay lang. Kahit ngayon lang gusto kong maramdaman niya kung anong naramdaman ko nung balewalain niya ako. Ang sakit kaya.
"Oh, sinong bababa na dyan? malapit na tayo sa mall" sigaw nung kunduktor ng bus.
Bigla naman akong hinila patayo ni GJ. Hila hila niya ako hanggang sa huminto na ang bus sa tapat ng mall. Bumaba kami at patuloy lang siya sa paghila sakin.
Gusto kong magreklamo at sigawan siya. Kaso ayoko nga siyang kausapin, ayoko talaga! di bale ng mapanis ang laway!
"Wala ka bang balak magsalita? hindi mo talaga ako kakausapin?" sabi niya habang naglalakad kami sa loob ng mall, "Kanina sa school ang dami mong sinabi sakin, tapos ngayon ayaw mo na akong kausapin?"
Bahala ka! manigas ka dyan!
Huminto kami sa paglakad, humarap siya sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Inaamin ko, mali ako. Nagkamali ako. Sorry na please? Gusto lang kitang mapasaya kaya nagawa ko yun. Ngayon na lang ulit tayo nagkita, miss na miss pa kita tapos dededmahin mo pa ako? I'm really really sorry" he said.
Nako! kulang! push mo pa ng konte.
Again, in-ignore ko siya.
Napatalikod na lang siya napahawak sa mukha niya nang hindi manlang ako sumagot sakanya.
Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng balewalain? kulang pa nga yan eh, kulang na kulang pa.
Humarap ulit siya sakin, huminga siya ng malalim, "I'm sorry, sorry sa lahat ng mga kagaguhan ko, sa mga pagkakamali ko. Sorry kung pakiramdam mo nabalewala kita, kung nasaktan kita. Sorry sa lahat lahat. Hindi ko na alam kung ano pa pwede kong gawin para mapatawad mo ako" nag iiba na yung tono ng boses niya, sincere siya sa lahat ng mg sinasabi niya. Ramdam ko. "Pero gusto kong malaman mo na--"
Hindi ko na siya pinatapos, niyakap ko na siya agad.
"Tama na, okay na..." I said.
He hugged me back.
"I missed you" bulong ko.
Gusto ko pa sana siyang tiisin kaso parang hindi ko kaya.
Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin.
He smirked, "Akala ko papatagalin mo pa 'to, hindi ko yata kaya kung ikaw ang babalewala sakin ng matagal. Baka mabaliw ako"
Hinampas ko siya sa braso, "Sira ka talaga!"
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...